kabanata 74

103 6 2
                                        

"nagkita kami ng iyong kapatid ngunit wala ang iyong kaibingan roon binibini, at ipinababatid ng iyong kapatid na kailangan mo raw lumayo rito kaya pakiusap, sumama ka nalamang sa akin."

Imposible, Asan si Manuelito? Isang linggo syang hindi umuwi noon at ang sabi nya ay limang araw lang sya mawawala kaya ang akala ko ay nahuli rin sya, pero..nasaan sya?

"K-kumusta si kuya? At anong wala si Manuelito roon? E hindi sya umuuwi, nasan sya? Samuel. P-pakiusap sasama ako, babalik tayo roon gusto kong makita si kuya. Please"

"N-ngunit binibini, hindi ka maaring gumawi roon bilin ng iyong kapatid sapagkat naroon raw ang iilan nais pumaslang sa inyo, kaya paumanhin hindi kita natutulungan na dalawin mo ang iyong kapatid."

"S-si Manuelito? Asan raw sya wala bang sinabi si kuya?"

"Noong isang linggo raw ay nakapuslit ito sa loob, ngunit wala ng sumunod roon at base raw sa lumipas na araw ay dapat nakabalik na sya sa inyong tinutuluyan."

Tulala akong napa upo nalang rito sa sala, gulong gulo na ang isip ko, ni hindi ako makadalaw kay kuya, at wala rin si Manuelito. anong gagawin ko? Paano ko matutulungan si kuya na makalaya? Saan ako mag-uumpisang maghanap ng ibidensya para patunayang wala syang kasalanan? At isa pa si Manuelito? Nasaan sya? Saan ako maghahanap? Bakit iba ang iniisip ng utak ko? Bakit ako natatakot kung nasaan man sya? Ayokong mag-isip ng masama pero kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.

"Kailangan na natin umalis ngayon binibini, kailangan kitang ilayo sa bayang ito."

"Ayoko Ginoo, kung nais mong umalis rito ay hindi ako sasama, hindi ko pa nakakausap si kuya, kailangan ko rin maghanap ng ibidensya para makalaya sya kaya hindi ako aalis rito."

"Ngunit binibini, pakiusap ako muna ang iyong pakingan, nais ng iyong kapatid na umalis ka rito at sa aking palagay ay huli na rin para sa mga ibidensya."
Kunot noo ko syang tinignan dahil sa sinabi nya, anong ibig nyang sabihin sa huli na ang lahat? Baliw ba sya? Anong karapatan nyang sabihin yon ni hindi naman sya opisyal.

"Kung wala kang magandang sasabihin ginoo maari ka ng umalis. Pero salamat parin sa tulong na ginawa mo sakin, makakalaya si kuya at hindi pa huli ang lahat."

Kita ko ang pag-iwas ng tingin sakin kaya tatayo na sana ako upang pagbuksan sya ng pinto at paalisin nga, ngunit halos hindi nako naka galaw sa sumunod nyang binangit.

"P-pinatungan ng parusang kamatayan ang iyong kapatid."

"pinatungan ng parusang kamatayan ang iyong kapatid.

"pinatungan ng parusang kamatayan ang iyong kapatid.

"pinatungan ng parusang kamatayan ang iyong kapatid.

Paulit ulit na salitang tumatakbo sa isip ko, para akong binuhusan ng tubig na sandamakmak na yelo dahil sa lamig na nararamdam ko. Wala rin akong ibang nakikita kundi ang larawan ni kuya joselito na naka handusay sa kandungan ko, ang larawang nakikita ko ay ang nasa pananginip ko noon.
Sobrang sakit na ng naramdaman ko noon na panaginip palang, paano pa ngayon na nalaman ko na bibitayin daw si kuya? Ang bigat sa dibdib.

"K-kailan raw?" Halos bulong nalamang ang nailabas ko sa bibig dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.

"M-mamaya bago sumapit ang dilim."

Kasabay ng pag-agos ng luha ko ay ang pagtigas ng aking tiyan.

"H-hindi!! Hindi nila maaring gawin iyon kay kuya! Wala syang kasalanan." Madiing sabi ko sa kanya.

"Batid ko binibini, ngunit wala na tayong magagawa kaya sumama ka nalamang sa akin, huling hiling nya na ilayo kita rito."

"Pupuntahan ko ang kapatid ko! Hindi pa huli ang lahat, hindi ako aalis sa lugar nato kung wala sya."

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon