Mag li-limang buwan na ang pagbubuntis ko at dito na nga kami nanirahan sa kubo, malayo daw ito sa bayan kaya nakaka kilos kami ng malaya, pero kahit ngayon ay nag iingat parin kami. Malapit lamang kami sa dagat kaya naging trabaho ni kuya joselito ay mangingisda maging si Manuelito, hindi na nga bumalik sa bayan ng sta.crus si Manuelito dahil alam nyang mas lalo lamang sya mapapahamak roon, noong dalawang linggo kasi ang lumipas ay umalis silang dalawa ni kuya para sana tignan ang kalagayan nga roon ngunit kalat pala sa bayan na nagtaksil sa pamahalaan si Manuelito. Kaya naisipan narin namin na huwag na muna syang bumalik hangga't hindi pa kami nakakahanap ng patunay na hindi totoo ang kumakalat.
Medyo malaki na rin ang tiyan ko, sabi nga ng mga matatanda na nakakakita sakin ay baka daw dalawa ang pinagbubuntis ko dahil sa nga laki.
At sobrang hirap ng araw-araw na lumilipas. Hindi ko kasi maiwasan matakot sa mga nangyare, natatakot ako na biglang may sumugod samin dito at kunin nga ang isa samin at paslangin, sa gabing dumadaan ay lagi akong nagdarasal at pagpapasalamat dahil kasama ko parin ang dalawa, sobrang hirap man ay sobra din ang tulong na binibigay nila sakin. Ramdam ko ang alaga nila lalo na si kuya, halos ayaw nya nga akong pagalawin sa bahay pero sabi ko ay kailangan. Sobrang hirap na nasanay ako sa presensya ni kambal na ngayon ay wala sa tabi ko. Sobrang hirap rin na wala si juan sa tabi ko. Minsan nga ay nasa isip ko kung ano kaya ang sitwasyon namin kung nandito sya? I miss him so much, sa tuwing mag isa ako, naiisip ko sya. wala yatang oras na hindi sya sumagi sa isip ko, ang tawa nya, ang ngiti nya, ang seryosong muka. Ang panenermon nya sakin, lahat lahat sa kanya ay sobrang miss kona.
"Mukang masarap ha, ang bango ng amoy." Kararating lang nilang dalawa mula sa laot, alam kong pagod sila kaya agad akong nagluto ng ulam namin.
"Kuya, adobong kangkong lang to." Simpleng luto lang naman pero ang dalawa parang pinag hain ko ng beef steak dahil sa muka nila, haha.
"Kahit toyo lang yan luna, masarap parin sapagkat ikaw ang nagluto."
Ngiti ni Manuelito.
"Tss! Nambola pa, oo na dadagdagan ko yung ulam mo." Natawa nalang ang dalawa at hinain ko na nga ang ulam.
"O dahan dahan." Alalay nila sakin sa pag upo, limang buwan palang ang tiyan ko pero hirap nakong kumilos.
Nagdasal muna kami at sinimulan na nga ang pagkain.
"Sya nga pala, nagkita kami ni Miguelito kanina." Napahinto ako sa pagsubo dahil sa balita ni kuya sakin.
"At maging si flora ay kasama nya." Si Manuelito naman.
"T-talaga? Kumusta sila?" Hindi makapaniwalang saad ko.
"Nagdadalang tao na rin si flora at maayos silang namumuhay sa kabilang isla." Kahit papaano naman pala ay may maganda rin nangyare, ang saya ko dahil sa nabalitaan ko. Buntis din pala si flora.
"Baka sa makalawa ay makakadalaw sila rito." Halos mapangiti ako sa sinabi nila, excited akong makita si flora, kumusta na kaya sila?
"Ako na ang maghuhugas sa mga to, magpahinga kana."
"Kaya ko naman Manuelito, alam kong pagod kayong dalawa ni kuya." Pumiling lang ito at patuloy sa pagligpit ng mga kinainan namin.
"Hindi dapat nagpupuyat ang buntis, roon kana luna, huwag matigas ang ulo." Saad pa nito at isinang ayunan naman ni kuya.
Kaya wala na akong nagawa at pumunta na nga sa kwarto. Ako mag-isa dito, silang dalawa naman ay sa sala natutulog, ang sabi ko naman ay ilagay dito ang papag nila para dito narin sila pero hindi daw pwedi dahil...babae ako.
"Hindi ka pumalaot?" Nagigising ko lang kasi at nadatnan ko si Manuelito na nagkakape sa may labas ng bahay.
"Napag-usapan namin ng kuya mo na hindi kana maaring iwan mag-isa rito sapagkat hirap kana sa kalagayan mo, kaya magkahalili kami sa pangisngisda."
BINABASA MO ANG
LUNA
Historical FictionHija,Hindi ka dapat nandito. Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako. Kung hindi dapat ako nandito, e anong gagaw...
