Kabanata Uno

1K 21 7
                                        

Dedicated 'to kay mareng Miss_writeratheart Salamat mare sa cover! Hahahahaha

---

1st Fall

Panaginip

"Aziel! Aziel! No! No! Please! Aziel! N...no!"

"Tita! Tita Dressa! Wake up!" Naalimpungatan ako dahil sa matinis na boses ni Craziel. Napabangon ako habang hinihingal hingal pa. I'm sweating all over.

"Baby..." mamaos paos pa ang boses ko.

Pinahiran ko ang mga luhang dahan dahang dumadausdos sa mata ni baby. "Hey, bakit umiiyak ang baby ko?" pag aalo ko dito.

She continued to sob. At bigla nalang akong niyakap.

"You're... you're shouting again...Tell me Tita, may umaaway ba sayo pag natutulog ka? Tell me, aawayin ko siya." Hula ko ay nakapout ang isang 'to.

Napangiti ako. "Nope baby. Wala..." sabi ko habang hinihimas himas ang likod niya habang nakayakap pa rin sa akin ng mahigpit.

As usual, alas kwatro palang ng umaga nagigising na ako. And it's because of my dreams. Mga panaginip ko sa kaniya. Palagi niya nalang akong dinadalaw simula ng mangyari ang insidenteng 'yun. Na ako mismo ay gusto na ring lumimot.

Ayoko ng maalala pa ang mga pangyayaring 'yun. Hindi ko kaya. Hindi ko maatim.

Bakit kasi 'yung mga bagay pa na gusto mo ng kalimutan ang mahirap ibaon sa hukay? And 'yung mga ala ala na ayaw mong kalimutan ang nalilimot ka? Why is the world so cruel? Why is it unfair?

Sadyang wala na bang patas dito sa mundo? Lahat ba ng bagay ay may kapalit na? Do you need to exchange something to get the other? Wala ng free?

"Alma?" I heard my mom's voice from the door. Inihiga ko na ang nakatulog muling si Craziel. Inayos ko ang kaniyang kulot at maitim itim na buhok paalis sa kaniyang mamumula mulang pisngi dahil sa pag iyak. Napangiti nalang ako nang makita ko ang nakanguso niyang manipis at pinkish na labi.

My baby is sad...

Tumayo na ako sa medyo dim kong kwarto. The only light that coming from ay galing sa lampshade.

"Yes, Ma?" bukas ko ng pinto.

There she is. My mother. Alyenna Veñez.

Maputi ito. Kulot ang buhok niyang lampas sa kaniyang balikat. Her dark eyes and lips were full of queries. Nakanight gown pa ang nanay kong businesswoman.

"I heard you shouting again. Are you sure, you're okay? Magpacheck up..." Pinutol ko ang sasabihin niyang saulo ko na dahil sa paulit ulit niya itong sinasabi sa akin.

Tiningnan ko ang mga mata niyang puno ng pag aalala. Ngumiti ako. "Ma, I'm fine. Promise. Panaginip lang 'yun. Napanaginipan ko naman siya."

Nagtama ang mga paningin namin. She gave me a knowing look. Hinawakan ni Mommy ang nanlalamig kong mga kamay. "Siguro namimiss ka lang ni Aziel, Alma."

Kinagat ko ang labi ko. "Namimiss ko na rin po siya Mom. So bad..."

Niyakap niya ako. "It's okay. It's okay..." Paulit ulit niyang bulong sa akin. Pinikit ko ang mga mata kong nag iinit dahil sa nag aambang mga luha.

"I hope 'my, I hope..."

Bumitiw siya sa yakap. "Let's go downstairs, magkape tayo. It's cold here in Cali..." Sumang ayon ako sa sinabi ni Mommy.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon