This chapter is dedicated to Dau_gel22Girl (Oh, ayan na beh, hindi na ako paasa ha? hahaha) and MidnightWriterAries (Hello, sorry i changed my mind. Hindi ko nalang po gagamitin iyong sinuggest mo baka kasi may gumamit na, e. Pasensiya na kung ikaw tuloy pinaasa ko. :( But i really appreciate your suggestion. Thank you. :)
23th Fall
Desperate Girl
Mga ala singko y media na nang makarating kami ng mansyon nila Kent. Pagdating namin doon ay wala pa ring gaanong tao.
"Tayo tayo lang ba ang magpaparty?" Tanong ko kay Phia na may sinasamsam na rice cake. 'Tong babaeng 'to hindi makapag hintay hanggang kainan. Nagutom daw siya sa simbahan. Ano lang ba ginawa doon kundi umupo? Tapos nagutom? Marami kamong bulate tiyan niya.
"Of course, no. Wag kang excited, Bessy. Five thirty palang. Naghahanda palang ang mga iyon..."
Tiningnan ko siya. Tumingin din siya sakin, tinaasan ako ng kilay. Tinuro ko ang gilid ng bibig niya. "You eat like you're not a lady, Delphianny. Mahiya ka naman kay Kai." Humalukipkip ako.
"Abash...nagshalita angsh mashino kungsh kumain,"
"Don't talk when your mouth is full." Madiin kong saway sa kanya. Nakakahiya ang babaeng 'to.
Kinuha niya ang baso ng juice sa aming mesang inuupuan at uminom. Ngumuya nguya siya bago ako tinuro ng mga daliri niya.
"You know what Aldressa Maia, you're being stiff, don't you know that? Para kang si Jack. Iyan ba ang resulta ng palagi mong pambubuntot sa kanya?" Tiningnan niya ako ng tinging hindi makapaniwala.
"I am not tailing him!" Mariin kong sinabi bago lumingon lingon sa paligid para tingnan kung may nakikinig o nakakarinig ng usapan namin.
But there's no one, I think. May mga katulong na gumagawa ng final touches, sa mga mesa at mga pagkain. Halos lahat ng team naman ay mga tatlong mesa ang layo samin. Nasulyapan ko si Jack na nakaupo sa tabi ni Kai at Ejay, but I can sense that he's barely listening to their conversation because he's too busy looking at his phone. Maya't maya ay tinitingnan niya ito. Maybe waiting for someone's reply? And who's that someone? That lucky someone...
Nag angat siya ng tingin at natamaan niya akong nakatingin sa kanya. Kaagad akong nag iwas ng tingin. Napalunok ako, parang may bumabara sa lalamunan ko.
Nakakunot ang noo ni Phia nang tingnan ako. Binaba ko ang tingin sa aking baso saka ito kinuha para uminom.
"Okay ka lang, Bessy?" Phia's concern voice.
Tiningnan ko siya at ngumiti. "I'm always fine, you know that," Uminom ako ulit.
Nanatili ang nagtatanong na mga tingin ni Phia sakin. Nang tingnan ko siya ay umiling siya sakin. "No. You're still that trying-hard-liar Alma I know," Nilampasan ako ng tingin ni Phia. Ngayo'y may tinitingnan na siya sa likod ko.
"You're jealous, huh?" Binalik ang tingin sakin at nakataas ng kilay.
Kaagad akong umiling. "I'm not. Why would I be jealous, Phia? At para kanino?" I let out a howl laugh.
Kinunutan niya ako ng kilay at nilagay ang hintuturo sa panga na parang nag iisip. "Hmm...para kanino nga ba? Baka kay Joe at sakin ka nagseselos?" Halata ang sarkismo sa pagsasalita niya.
Tumaas din ang kilay ko. "Hala ka. You have something for Joe, no? Isusumbong kita kay Kai!"
Umikot ang mga mata ni Phia. "Wag tanga Bessy, ha? Gamit gamit din ng utak na meron ka." Binigyan ako ng isang matalim na tingin. "At wag mong nililihis ang usapan,"
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomantizmAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...