16th Fall
Drive Home
"Ang sabi mo magsi CR ka." May halong pag aakusa sa tono ng pananalita ni Phia habang naglalakad na kami pabalik ng rooftop.
Bumuntong hininga ako nang muli na namang umihip ang malamig na hangin at sumayaw ang buhok ko sa likod. Inayos ko ito. "Oo nga, magsi CR..." Mahina ang boses ko.
"Pero anong ginawa mo?" Tinapunan ko si Phia ng tingin. Naniningkit ang mga mata niya habang parang sinusuri ang mukha ko.
Ibinaling ko ang mukha sa harapan. "Gusto ko lang naman makipag usap kay Jacksungit bes..." I trailed off.
"Makipag usap? About what?"
Tumigil muna ako at hinarap si Phia. Nakakunot ang kilay niyang nakatingin sakin. Kinagat ko ang labi at bumuntong hininga na naman ulit. "About him," sagot ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. Napairap tuloy ako. "Phia, Jack loves Rose Belle." Parang ang hirap bigkasin ng mga salitang iyon.
Napatakip ng bibig si Phia. "What? Really?" Hindi siya makapaniwala.
Tumango ako. "Oo. Nag walk out 'yun kanina kasi nagselos kay Warren. Sinusubuan kasi ni Warren si Rose Belle," ngayong naisatinig ko na ang mga salitang 'yun, doon ko lang narealize kung gaano ako naiinggit kay Rose Belle. She's very lucky Jack Aragon loves her.
Nanatili ang makahulugang mga mata ni Phia sakin. "Then you followed him para i comfort, ganun ba?" ani Phia.
Hindi ako sumagot. Nagulat nalang ako nang bigla akong akbayan ng kaibigan ko. She patted my shoulder repeatedly. "Good news, nainlababu na rin ang best friend ko for the first time. Bad news, nainlababu siya sa taong may mahal na iba at malabo siyang saluhin sa pagkakahulog." dagdag niya pa.
Kumalas ako sa kanyang akbay at sinapak siya. "Tigilan mo 'ko..." Kinagat ko ang labi dahil sa bahagyang pagkirot ng dibdib ko.
Humagalpak ng tawa ang magaling kong kaibigan. "Oh, bakit?" Nakangisi niyang tanong at humalukipkip sa harap ko.
Umirap ako at tinalikuran siya bago naunang maglakad. "Tigilan mo ang pagpapamukha sakin kung gaano kapalpak ang pagkahulog ko. Sa maling oras, maling tao at maling pagkakataon. Perfect." Puno ng sarkismo kong sabi.
Nang makalapit na ako sa pintuan ay pinihit ko ang door knob. Tinulak ko ang pintuan at pumasok. Ramdam ko ring nakapasok na si Phia pero hindi na ako nag abala pang lumingon.
Deretso ang lakad ko papunta sa tabi ng masungit at ni Joe. Nang umupo ako ay kaagad akong tinanong ni Joe. "Ang tagal mong nakabalik ah," nilingon ko siya at nakangisi din ang babaero.
Nag iwas nalang ako ng tingin at nagkibit ng balikat. Hindi ko alam kung anong palusot ang sasabihin ko gayong nasa kabilang tabi ko lang ang dahilan kung bakit ako natagalan.
Alangan namang isagot ko, "Ayy, oo. Nakipag usap pa kasi ako sa masungit na 'to, e. Kung gaano niya pinamukha sakin na wala lang talaga akong halaga sa buhay niya." Peste.
"What's the matter with you two? Ang tahimik niyo ah," nanggaling kay Kai. Tiningnan ko siya at nakakunot ang noo niyang nakatingin sa amin.
Ngumiti ako nang alanganin. Maging 'yung ibang kalalakihan ay naguguluhang tinapunan kami ng tingin. Ang awkward tuloy sa feeling.
"Ayos ka lang Alma? Namumutla ka..." Malambing at nag aalalang boses ni Rose Belle ang namayani sa katahimikan namin.
Para mabawasan 'yung awkwardness na nararamdaman ay nagpakawala ako ng hilaw na tawa. "Ayos lang ako, ano ba. Huwag niyo ng pansinin," todi ngiti pa ako.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomantizmAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...