Kabanata Veintisiete

186 7 0
                                    


27th Fall

Miss You

"Yay! Thank you so much, Tita!" ang masayang boses ni Craziel ang umukupa sa sala nang makarating ako. Hawak hawak niya sa kamay ang limang supot ng gummy bears na binili ko para sa kanya.

Hindi ko na naisama si Jack pumasok ng bahay dahil ayaw niya. Iyong ibang katulong sa bahay ang sumundo sa amin sa labasan at tumulong sa pagdala ng mga binili ko papasok ng bahay.

"Ang gwapo ng kasama niyo, miss Alma!" tili ng isa naming kasambahay.

Nilingon ko siya at nginitian. "Sobra..." sabi ko naman.

"Ang dami naman ng pinamili mo, anak! Sa pagkakaalala ko ay kaunti lamang ang nasa listahang ibinigay ko sayo, a..." boses ni Nanay Henra na pumasok na din ng sala. Galing ata siyang kusina.

"Bumili nalang rin po kasi ako ng para sa ref. At mga snacks..." sabi ko.

"Paano mo ito nadalang lahat?" patungkol ni Nanay sa mga dala ko.

"Ah..."

"May gwapo hong naghatid kay Miss Alma, manang!" singit ni Potang sa eksena.

"Anong gwapo iyong narinig ko?"

Halos manigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang boses ni mommy. Maging si Potang ay biglang natahimik nang dumating si mommy.

Napatingin ako sa nanunuring mga mata ni mommy. Mula sa mga pinamili ko, papunta sa mga kasambahay, kay Nanay Henra at huli ay sa akin siya tumingin. "Oh, bakit kayo natahimik? I'm asking what's that gwapo is all about?" nakataas ang kilay ng ina ko.

Parang nablanko ang isip ko. Hindi ko malaman kung magsasabi ba ako ng katotohanan o magsisinungaling.
"Ah, e kasi madame...may nakita akong gwapo..." nauutal na sinabi ni Potang. Sumulyap siya sa akin saglit na nangungusap ang mga mata. Humihingi siguro ng paumanhin dahil sa sinabi niyang narinig ni mommy. Ayos lang naman sa akin iyon.

"May nakita ka? Saan?" ani mommy.

Hindi maipirme ni Potang ang mga mata. "Ka...kanina po sa labas. Iyong driver ng taxi na sinakyan ni Miss Alma. Kaso po may anak na, e..." kinagat niya ang nanginginig na labi saka yumuko. Takot niya sigurong malaman ni mommy na nagsisinungaling siya.

Tumikhim si Nanay Henra para siguro mabawasbawasan ang tensyon sa paligid. "O siya, siya. Dalhin niyo na itong mga binili ni Alma sa kusina at nang maisaayos..." ani Nanay.

Kaagad namang kinuha ni Fatty at Potang ang mga supot ni pinamili ko para dalhin papuntang kusina. Sumunod na rin sa kanila si Nanay Henra.

Naiwan kaming tatlo nina mommy at si Craziel na abala na sa pagkain ng candies na binili ko para sa kanya.

Nanunuring mga mata ang ipinukol ni mommy sa akin. "Totoo ba ang sinabi ni Potang? Gwapong driver?" parang hindi pa kumbinsidong saad ni mommy sa akin. Ginawaran niya ako ng tinging nanghuhuli. Parang may hinahanap siya sa mga mata ko. Na huwag lamang akong magtangkang magsabi ng hindi totoo.

Umupo ako sa mahabang sofa katabi ni baby C. Si mommy naman ay sa pang isahan.

She's really strict when it comes to boys. Lalong lalo na kapag mga lalaking may kinalaman sa akin o kay ate Zammi. Naalala ko pang sinabi noon sa Skype ni ate na may nagugustuhan siya doon sa Cali pero hindi naman siya natakot na ipangalandakan ito kay mommy. Siguro ay dahil malayo kami ngayon sa kanya. Malayo si mommy sa kanya kaya nakaya niya iyong sabihin.

Pero ako, hindi ko alam. Natatakot akong kapag sabihin ko kay mommy na may nagugustuhan ako ay baka pagbawalan niya ako. Baka ilayo niya ako sa lalaking gusto ko. O mas worse ay bumalik kami ng California. Oh no. Hindi ko na maisip na malalayo ako kay Jack. Na hindi ko na siya makikitang muli. Parang hindi ko ata makakayanan iyon.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon