30th Fall
Come True
"Sir...here's the water."
Panira ng moment 'tong waiter na 'to!
Ako na ang humiwalay sa pagyakap kay Jack sabay tumalikod. Pasimple kong pinahiran ang aking luha para hindi niya makita. Pagharap ko ay hawak hawak na niya ang baso ng tubig. Wala na rin iyong waiter.
Napanguso ako.
"Inumin mo 'to para mahimasmasan ka," sabi niya sabay bigay ng tubig sa akin.
Walang imik na kinuha ko iyon at uminom.
"Feel better?"
Nagkibit ako ng balikat. Hanggang ngayon umiikot pa rin ang paningin ko. Ang hapdi rin ng tiyan ko. Hinimas ko ito. Lumapat naman doon ang tingin ni Jack.
"Masakit 'no?" nakakunot ang noo niyang sinabi.
Tumango ako. "Mahapdi..." pati puso ko.
"Ang tigas kasi ng ulo mo. Why did you drink that straight three shots? Your alcoholic tolerance is not that high." panenermon niya sa akin.
Napairap ako. Ang sakit ng ulo ko. I managed to walk back to our table. Ramdam kong sumunod si Jack sa akin.
Umupo ako habang hinihilot ang aking sintido. "Pampalakas ng loob lang." sabi ko mayamaya rin.
"Pampalakas ng loob para saan?"
May pagka slow poke din pala itong isang 'to. Tsk.
Kinuha ko ang kutsara ko saka kumuha ng pagkain sa aking pinggan. Gutom pala ako kanina, bakit pa ako uminom ng alak? Jusko naman Alma!
"Ewan ko sayo," sabi ko nalang dahil as much as possible, ayokong maibalik na naman ang topic na iyon.
Hanggang ngayon nga nagtataka pa rin ako kung bakit all of a sudden ay binanggit niya iyon. I don't have any idea.
"Oh, I know. Tungkol sa tanong ko kanina kung gusto mo ba ako..." sinabi niya iyon na parang iyon na ang pinaka normal na bagay sa buong mundo. Hindi niya ba alam sa tuwing binibigkas niya ang mga salitang iyon ay mas lalo lang lumalakas ang tambol ng puso ko? Hindi niya ba alam na sa tuwing sinasabi niya iyon ay parang ipinamumukha niya sa akin na ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa? Manhid ba siya?
Pero dahil siguro sa tama ng alak sa aking sistema ay hindi na ako ganoong nabigla. Parang bigla nalang akong nagkaroon ng lakas ng loob na siyang nawawala sa akin kanina.
Patuloy lang ako sa pagkain na parang wala siyang kagimbal gimbal na sinabi sa akin. Katulad ng pag akto niyang wala lang sa kanya na gusto ko siya. Siguro ay hindi na rin siya nagtataka. Kasi ganoon naman talaga ang tingin niya sa akin sa simula pa lamang. Na pareho lamang ako sa mga babaeng nakilala niya. Ibig sabihin kasali na doon ang parte na magkakagusto ako sa kanya.
Na alam niya talagang sa simula't sapol mahuhulog at mahuhulog din ako sa bitag niya. At hindi nga siya nagkakamali. I fell. Hard. And he didn't even bother to catch me or even be with me while I'm falling.
"Bakit kailangan mo pang ulit ulitin? Noong una kong sinabi iyon ay malinaw naman. Hindi ka naman siguro bingi," sinabi ko.
Saglit ko lang siyang tiningnan at mabilis ding umiwas. I hate getting in touch with those unreadable, mysterious and blank pair of eyes. Para niya akong dinadala sa malamig na bahagi ng mundo niya...
Sumandal siya ng upuan at humalukipkip. Hindi niya pa rin inaalis ang mga mata sa akin! Bakit ganoon siya makatitig? Pangit ba talaga ako?
"Naninigurado lang..." seryosong sabi niya makalipas ang ilang sandali.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)