33th Fall
We're Engaged
"Alma, ayos ka lang?" Dinaluhan ako ni Xinna at tinulungang tumayo. "Anong... bakit ganyan ang itsura mo?"
"S-salamat..." I managed to say through my hitched breathing.
Napatingin ako sa mga matang nakatutok sa akin. Nasa likod ni Xinna at parang mga paparazzing bumubuntot. May mga bilog at pahaba silang mga lobo na kulay pula. May mga chocolates, mostly letters ang nakita ko na mga hawak nila.
Puro babae at kung makatitig sa akin akala mo gusto akong lamunin ng buhay.
Mukhang oblivious naman si Xinna sa mga babaeng nakabuntot sa kanya. Napatitig ako sa uniporme niyang tambak ng mga pirma at may mga labi pang nakaguhit. Famous boys, really.
Lumunok ako para maayos ang boses. "Lahat ba kayo nasa classroom niyo?"
Naguguluhan man ang mukha ni Xinna ay umiling siya. "Pero halos lahat sila naroon..."
Tumango ako. "Sige, maiwan na kita. Puntahan ko lang sila..." pagpapaalam ko.
Actually, may ginawa din akong V card para kay Xinna pero mamaya ko nalang ibibigay. Hindi magandang pangitain na ibigay ko ito sa kanya sa harap ng mga babaeng buntot niya.
"Hindi. Samahan na kita."
Kaya ang resulta ay sabay kaming pumunta ng kanilang classroom. Kaagad na humawi ang mga babae nang dumaan kami. Pero ramdam ko ang presensiya nila sa aming likod. Hindi ko nalang pinagtuonan ng pansin.
"Bessy!"
Napaungol ako nang bigla akong dinamba ng yakap ni Phia. "Nagpakita ka ring babae ka!" sabay hinampas niya ako sa braso.
Sinamaan ko siya ng tingin. Ang sakit niya kayang manghampas!
"Sorry!" tumawa siya sabay peace sign.
"Hi, guys! Kumusta kayo?" baling ko sa XS team na naririto sa classroom.
"Hello, Alma!"
Binati nila ako isa isa ng happy Valentine's day. Ginulo pa ni Joe ang buhok ko. Ginawa akong bata!
"Ang dami niyo talagang fans!" mangha kong sinabi. Ang dami kasing chocolates, letters at iba pa sa tabi nilang mesa. By the way, sila lang ang naririto sa classroom nila. Siguro iyong mga kaklase ay nandoon sa labas at nagsusudoysudoy.
"Nakakapagod nga, e..." sabay tawa ni Kai.
Katulad ng kay Xinna, marami ring pirma ang kanilang mga damit.
"Lalabhan niyo iyang mga damit niyo?" tanong ko sa kanila.
Nilapitan ako ni Kent at binigyan ng mauupuan. Nilingon ko siya at nginitian. "Thanks, Kent..."
"Hindi. Ididisplay..." I'm not sure if Joe's answer is serious. Nagtawanan ang lahat.
Napuno muna kami ng pag uusap usap. Marami silang kinwento sa aking mga kababalaghang ginawa nila. Tumatawa kami ni Phia dahil doon. Mostly, si Kai at Ejay talaga ang madaldal.
"By the way Kai, sa inyo ba ang KitShin DeliKaisis Resto?" naisip kong maitanong nang humupa ang aming tawanan.
Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. Ang cute naman! "Yeah..." Mukha pa siyang nahihiya!
Nakatanggap tuloy siya ng sipol sa mga kasama niya. "Pinangalan kay bunso!" humalakhak si Joe.
"Shut up!" natatawa ring baling ni Kai.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)