Kabanata Treinta y ocho

214 9 3
                                    


38th Fall

Bienvenido a España

Nasa gitna kami ng pag uusap ni Ginny nang mag ring ang aking cellphone. Saglit na naputol ang aming pag uusap na dalawa nang ipinakita ko na sa kanya ang litrato ni Jack. Hindi ang nakangiti niyang mukha ang ipinakita ko kundi ang mga nakaw na kuha ko lamang sa kanya. Wonder why I still don't delete these? For memories!

"Answer that one," Ginny said when she stopped giggling. Kanina pa siya ganyan habang tinitingnan ang mga litrato ni Jack. Puro, "big catch!", "handsome!", "damn, he's so hot!" ang narinig kong mga komento niya. Napailing iling nalang ako. Gwapo nga siya pero ang hilig namang manakit...

"Okay..." I answered the phone. Hindi pa rin umaalis sa pagkakaupo. Si Ginny naman ay kinuha ang kanyang telepono at mukhang may tinext.

"Halo, preciosa! Te echo de menos..." ani sa kabilang linya na nagpakunot ng aking noo.

"Guarry, tigilan mo ako sa kakaspanish mo, ha..." Actually pati itong numero ko ay pinalitan ko na rin pagkaalis ko ng Pilipinas isang buwan na ang nakalilipas. Kakaunti lamang ang nakakaalam ng bago kong numero.

Narinig ko ang paghalakhak ni Guarry sa kabilang linya. "It means, 'Hello, my lady. I miss you'..." aniya.

Umirap ako kahit hindi naman niya ako nakikita. But my lips are actually smiling. "I miss you, too. Nasaan ka ngayon?"

Sumulyap saglit si Ginny sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay na waring nagtatanong. Nagkibit siya ng balikat at muling dinungaw ang kanyang cellphone. Binalik ko nalang ang atensyon kay Guarry.

"I'm in Spain. Dito ako magsusummer,"

"Kelan ka pa umalis ng Pilipinas?"

"Kadarating ko lang ng bahay mula sa byahe. Ikaw kaagad ang tinawagan ko pagkadating ko. Hindi kasi kita nakontak noong papaaalis ako..."

Parati kaming nag uusap ni Guarry sa cellphone simula noong umalis ako. Siya ang palaging tumatawag at nangungumusta sa akin. Sinabi pa nga niyang gusto niya akong puntahan dito sa California pero siyempre tumanggi ako. Ayokong puntahan niya ako hangga't nangangapa pa akong hanapin muli ang sarili ko.

Maging kami naman ni Phia ay nagkakausap sa Skype. At ang bruha sinabing ngayong summer ay pupunta siya rito para magkita kami. Mga one week siguro ang itatagal niya kung sakali.

"Edi magpahinga ka kung kadarating mo lang. Pagod ka niyan panigurado..."

"Marinig ko lang ang boses mo tanggal na ang pagod ko, Alma..."

Natameme ako sa kanyang isinagot. Alam kong nakangiti na naman siya ngayong habang sinasabi iyan. Sana nga natuturuan ang puso.

"Guarry..."

He chuckled on the other line. "Tinawagan din kita dahil may sasabihin ako."

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon