Dedicated to kay YumiKimmy :)) Hello.
15th Fall
Don't Kiss
"It's better this way. Ako 'yung tumutulak paalis kesa sila 'yung kusang mang iiwan."
Umiikot ikot sa utak ko ang mga salitang iyon ni Jacksungit. Sa una ay naguluhan pa ako, pero nang tumagal ay naintindihan ko rin.
Napatitig ako sa mukha niyang nakaside view sakin. "Bakit? Naiwanan ka na ba, Jacksungit?" Nakita ko ang paglunok niya dahilan para umalon ang kanyang Adam's Apple. Sheyt. Ang sarap titigan.
"I guess all of us had been on that," sagot niya.
Napaiwas ako ng tingin at ibinaling ang mga mata sa nagkikislapang bitiun sa kalangitan. "Siguro. Oo, at hindi. Pero ako, naranasan ko na rin..." Lumitaw sa isipan ko ang imahe ni Aziel. Miss na miss ko na siya...Minsan nalang niya akong dalawin sa panaginip ko. Hindi katulad ng dati na halos gabi gabi akong nagigising dahil sa mga ala alang gusto ko ng kalimutan. I don't know it's a good thing or not and if I would be happy or sad.
"I'm sure everyone of us has a TOTGA story," napatingin ako kay Jacksungit dahil sa kanyang sinabi.
Kumunot ang noo ko. "TOTGA?" naguguluhan kong tanong. Anong ibig sabihin noon?
"TOTGA. The one that got away, Veñez. Tsk." Nakita ko pa siyang umiling.
Napaismid ako. "Sorry naman! E sa hindi ko 'yun alam, e." Napanguso ako.
Ilang minutong katahimikan ang bumalot samin pagkatapos noon. Ang utak ko ay abala sa pag iisip ng kung ano ano. Katulad nalang ng sana nababasa ko kung ano ano ang mga iniisip niya ngayon. Kasali ba ako doon? Charot.
Sa totoo lang hindi ko mahula hulaan itong si Jack. He is an every difficult thing for me. Ang hirap niyang basahin. Ang hirap niyang abutin. Ang hirap niyang intindihin. Ang hirap pasukin ng buhay niya.
Kapag kausap ko siya, pakiramdam ko wala lang ako. I'm just Alma. Stranghero para sa kanya. Nothing special. Hindi ko alam kung paano ako lulugar, e.
Kinagat ko ang labi ko. "Jacksungit, magtatanong ako..." Pagbabasag ko ng katahimikan. "Pwede?"
He looked to me. "Kapag sinabi kong hindi, will you not ask?"
Umiling ako. "Magtatanong pa rin," ngumisi ako.
"See? You leave me no choice then," nagkibit siya ng balikat.
Pinadyak ko ang paa dahil pakiramdam ko may kumakagat bago lumipat ng pwesto papalapit kay Jacksungit. "Only child ka lang ba?"
Mabilis siyang napabaling sakin. Bakas pa sa mukha niya ang pagkagulat. Siguro dahil sa bigla kong paglapit? E sa malamok doon sa pwesto ko kanina!
Tapos nagtaas siya ng kilay. "Why do you ask?"
"Sagutin mo nalang!" Pagbabalewala ko sa tanong niya. Gusto ko lang naman magkaroon ng mga basic information ng buhay niya. Baka mula doon, unti unti ko pa siyang makilala.
Narinig ko siyang nagbuntong hininga na parang suko na siya. Napangiti tuloy ako.
"I'm not an only child. I have a Kuya." Ano kayang itsura ng kuya niya? Kasing gwapo ba ni Jacksungit? Kasing sungit? O mas gwapo at mas masungit?
"Anong itsura ng kuya mo? Mas gwapo ba sayo? Masungit din ba?" Opps keri opps. Ang bibig ko talaga walang preno!
Nakita ko ang biglang pagtingin sakin ni Jack. Hindi ko mawari kung anong ekspresyon ang ipinapakita niya. "What the hell?" Hindi makapaniwala ang boses niya.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomantizmAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)