Kabanata Setenta (iv)

221 10 1
                                    

This is the final part of the last chapter. Maraming salamat kung nakarating ka man hanggang dito! Muchly appreciated! :) Epilogue will follow. Hehehe

70th Fall
(Part Four)

August Eleven

May hindi mabasag basag na tensyon sa aking dibdib habang pinapanood ang paghabol ni Xinna sa nakakuha ng bola na mula sa kabilang team. Huminto iyong player number 99 na siyang kaagad na binantayan ni Xinna, pero masyadong tricky at mabilis iyong manlalaro atsaka niya iyon pinasa sa kateam niya. Iyong Ygypt ang nakasalo. Upon catching the ball with both of his hands, Ygypt ran to the nearest ring on our right side and effortlessly shot the ball inside.

The opposite side of the gymnasium, which is the GriffinLion supporters cheered loudly. May sumigaw at tumili pa sa pangalan ni Ygypt.

I've remained an anxious expression as the game progressed.

Tiningnan ko ang score board: 11 — 7
Eleven points ang kalaban.

"Go, XS team!" the cheerdancers shouted.

I crossed my fingers habang nakatuon ang mata kay Jack na siya ng pinagbabantayan ngayon. Si Enoch ang nagbabantay sa kanya. Nasa pinakagilid silang bahagi, malapit sa amin, kaya kita ko ang pagpapalitan nila ng matatalim na tingin sa isa't isa. Jack continued to dribble the ball, and as fast as a lightning, tossed it to Warren on his left side. Nang masalo iyon ni Warren ay wala na siyang inaksayang panahon para i-shoot iyong bola kahit nasa likod niya't hinahabol siya ng kabilang manlalaro.

Napapalakpak ako, along with Rose Belle's loud shouts and cheers. Three points shot! Now, eleven is to ten! Isang lamang nalang!

"Excuse us!"

Inalis ko ang tingin sa gitna ng korte para hanapin iyong matinis na boses ng pamangkin ko. Malapit na siya sa amin at nang makita ako ay mas lalo pa siyang nagmadali.

"Craziel!" nakangiti kong yakap sa aking pamangkin.

Sa likod niya'y naroon si Sheeny, katabi niya si Xillas Jann. Halata ang pagpapantasya ng mga babaeng nasa harapan lamang ng nakatatandang kapatid ni Jack. Kahit nasa tabi na ang girlfriend, ah! Si Sheeny naman ay awkward ang ngiti nang hawakan siya ni Xillas sa beywang para i-guide sa upuang pinareserba pala ni Xillas.

"Mabuti't nakapunta kayo," medyo malakas ang pagkakasabi ko kay Sheeny para marinig niya dahil muling nag ingay ang mga tao sa banda namin.

Hindi ko na napagtuonan ng pansin ang sagot ni Sheeny dahil binalik ko na ang atensyon sa harapan, nagtataka kung bakit humiyaw ang aming banda. I trailed my eyes to the score board. Halos lumundag ang puso ko nang makitang siyam na puntos na ang lamang ng XS team! Nakihiyaw ako sa mga kasamahan namin sa upuang iyon nang muling nakashoot si Jack! Making their score eleven points on the lead.

Hindi man ako makasigaw ng maayos, pero sa pamamagitan lang ng malakas na tambol ng puso ko, I know my heart is cheering for him, and my mind believes they're going to win this game. Kung noon nga ay nanalo sila, paano pa ngayon? I only need to believe.

Natapos ang Quarter 1 na lamang ang XS team ng pitong puntos. Pareho pa rin ang starters ng XS team: si Warren, Jack, Xinna, Joe, Circo at Kai nang magsimula ang second quarter.

Sa kabilang team ay halos si Enoch at Ygypt ang palaging pumupuntos sa kanila. It's either a two points shot or three points. Hindi ko maitatangging magaling din ang team ng RCUS. Dahil sa second quarter sila ang nakalamang ng limang puntos.

Nang dumating ang third quarter ay doon na ako kinabahan ng sobra.

Sa starters ng XS team ay nag sub si James kay Kai at si Kent kay Joe. Nanatili pa rin sa laro si Warren, Jack, Xinna at Circo.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon