3rd Fall
Pakyu Aragon
"Craziel!" Nag aalala kong sigaw nang maabutan kong nakadapa siya sa may damuhan. Nagmamadali akong lumapit sa kaniya at tinulungan siyang tumayo. Kahit parang ayaw niyang bumangon.
Mas dumagdag lang ang pag aalala ko nang makitang umiiyak si Craziel. "Baby kasi, sabi ko huwag kang tumakbo kasi baka madapa ka..." Sabi ko sa mahinang boses.
Tumayo siya at humarap sakin. Even there's a tears rolling down her face, she managed to smile up at me. Nabawasan ang kabang nararamdaman ko.
"Don't worry tita, I'm okay. I'm a brave girl, you know." I watched as she wipes her tears away from her cheeks with her little own hands.
I smiled. This is one of the amazing things I liked with Craziel. Just like what she had said, she's a brave girl. Kahit sa murang edad, akala mo matanda na kung mag isip. Minsan sweet 'tong batang ito, pero madalas may pagkamasungit.
Kinarga ko siya upang dalhin sa malapit na swing. Para sana gamutin ang sugat niya sa tuhod na halatang namumula. Pero, nagpupumiglas siya.
"Tita! Put me down! I can manage!" Craziel shouted. Pero, hindi ko nalang iyon pinansin. Iniupo ko siya ng swing. Inabot ko ang bag ko at kumuha ng bulak at betadine.
Napansin ko ang pagtahimik ni Craziel. Nilagyan ko ang bulak ng betadine at dahan dahang ipinahid ito sa sugat niya sa tuhod. Napaiktad siya nang dumapo ang bulak sa kaniyang sugat, pero other than that, wala na, tahimik na siya. Hindi nagreklamo si Craziel na mahapdi, she didn't even cried again.
"Ayan. Ayos na ang sugat mo, gusto mo pa bang maglaro o umuwi na tayo?" Tanong ko sa kaniya. Craziel pouted and stomped her foot.
"No! I want to play more, Tita Dressa!"
"Pero, may sugat ka na, baby Craziel. Baka madagdagan pa ang-" hindi ko na natapos ang kung ano mang sasabihin ko dahil nagsalita ulit siya.
"I don't care! And please, don't call me baby, Tita. I'm not a baby anymore, can't you see, I'm already a maiden!" Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. Pero, maya maya ay ngumiti din.
Okay, well...
Bumuntong hininga ako. "Okay. Okay, bab-I mean, Craziel."
Lumapad ang ngiti niya. "That's better!" Tumango nalang ako. Hays. Basta sa batang ito, palagi akong talo. Spoiled sakin e. Pft.
May narinig akong tumawa sa katabing swing kaya napalingon ako. She has this long black hair with bangs, cute chinita eyes, long nose, her lips were twitching because she's smiling, looking at us.
I smiled back too, kahit hindi ako sigurado kung ako o kami ba ang nginingitian niya o trip niya lang ngumiti mag isa habang nakatingin samin.
Mukha pa siyang nahiya kaya alanganin siyang ngumiti samin. "I'm sorry. Natuwa lang kasi ako kay Craziel." Aniya.
Narinig ko naman ang biglang pagsabat ni Craziel sa usapan. "Do I know you?" Ani Craziel, nakataas pa ang kilay. I give her a warning look. She just snapped at me.
"What?" Craziel added.
Umiling ako at binigyan iyong babae ng apologetic smile. Ngumiti siya pabalik sakin, like saying it's okay.
Hinarap kong muli si Craziel. "Craziel, you can play again. But not too far from tita, understand?" Utos ko. She then nodded and energetically ran, akala mo walang sugat e! Itong batang 'to.
Umupo ako sa swing na pinag upuan ni Craziel kanina at nakangiting hinarap iyong babae.
"Hi. I'm Aldressa Maia Veñez, ikaw?" Pagpapakilala ko.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)