Kabanata Siete

223 10 0
                                        

7th Fall

Right or Wrong

Pumihit ako para tingnan kung sino iyong nag tsk. Tinaas ko ang kilay nang makita si Jack na nakatayo hindi kalayuan sakin.

Tumingin pa talaga ako sa likod niya kung may kasama siya or what. Aysus, hinahanap mo lang kung kasama niya ang babaeng 'yun e. Bakit Al, bakit? Wahahaha

Sarap pukpukin ni konsensiya e, no?

I looked at him. Nang magtama ang paningin namin ay agad naman siyang nag iwas. Nang medyo mahaba haba na ang katahimikang namamayani samin ay tumikhim na ako at nagsalita. "May kailangan ka?" Pagtatanong ko.

He didn't replied. Napatango ako. Ngek. Baka naman nag assume lang ako. Baka naman kasi hindi ako ang gusto niyang makausap. Baka trip niya lang ang tumayo dyan sa mismong harap ng gate at magfeeling security guard. Okay.

Tumalikod na ako. Shit! Pahiya ako dun ah! Ang feelingera ko naman!

I was about to take one step when he suddenly speak. "Wait," he said.

Bagkus na lumingon ay hindi ko 'yun pinansin. Aba, masakit umasa no. Yung akala mong ikaw ang tinutukoy, e ang anino mo pala. Sorry naman.

"Hey! I said wait!"

Tinaas ko ang kilay ko habang patuloy pa rin sa paglalakad. Jusko. Naloko na ata ang sungit na 'yun at nagwawala na.

"Fvck! Veñez, tinatawag kita!"

Napatigil ako. Veñez daw? May iba pa bang Veñez dito? E bakit hindi nalang ang pangalan ko ang sabihin niya diba? Ang hirap bang bigkasin ng Alma? Ang arte ng sungit na 'to! Dinaig pa si Craziel sa kaartehan, jusme!

Pinili ko nalang lumingon. I tried my luck. Veñez daw e. May porsyento namang ako ang tinutukoy, diba?

Nang makaharap na ako ay halos magulat ako nang makita ko siyang nasa mismong harapan ko na. Super duper ang pagkunot ng kanyang kilay. "Are you deaf? O, nagbibingi bingihan lang?" Inis niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Aba! Malay ko bang ako ang tinatawag mo!" Inis ko ring balik sa kanya.

Bumuntong hininga siya nang malalim as if releasing his frustration. Bad trip si kuya!

"Did you see other people here? May iba ba?" Tiningnan ko ang labasan.

"Wala?"

"See? Use your common sense, Veñez!" ABA!

"Why are you even shouting? At bakit Veñez ka nang Veñez sakin, ha? Ano ba kita? Teacher? May pangalan ako! Alma! A-L-M-A. Alma! Hindi mo 'yun mabigkas?" Napatitig si Jack sakin. Hindi ko lang mabasa ang emosyong nakaguhit sa mga mata niya.

"Tsk." Yan na naman ang naisagot niya sakin.

I sighed deeply. Nakakawala ng energy ang makipag usap sa lalaking 'to! Are we even talking? I think shouting is the right term.

"Tsk ka rin." I replied.

Katahimikan. Okay. Para kaming tanga dito sa mismong gate, magkaharap pero hindi naman nagsasalita. Imagine niyo?

Magtatanong uli sana ako kung pipi na siya nang bigla siyang nagsalita. "I'm sorry..."

Awtomatik akong napa, "What?" Hindi ko kasi malinaw na narinig ang sinabi niya. Ang hina naman kasi!

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon