Dedicated kay danshien hahaha. Hi, baby Mitchie. Thank you for being supportive to your baby Sungit's lablayp. Pati narin sa akin. Yieee.
61th Fall
Video
Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila Joe para maiwala ako sa mga bodyguard ni Mommy. Kahit ano man iyon ay lubos ang pagpapasalamat ko.
Nagmamadali akong lumabas ng motorsiklo at ibinigay kay Manong iyong pamasahe. Hindi ko na hinintay na maibalik sa akin iyong sukli at dumeretso na ako papaakyat sa lobby ng CCJ. Bago tuluyang makapasok ay mabilisan ko munang sinulyapan kung ano man ang nangyayari sa ibabang kalsada. Naroon parin ang puti naming van at ang itim ng XS team.
Muling nag-vibrate ang cellphone ko kaya dinungaw ko iyon habang papalapit ako sa reception desk na nilapitan ko noon.
"You are given 30 minutes maximum, Miss A." the message read.
"Thank you." I replied before pocketing my phone.
Sinabi ko ang apelyido ni Jack. Ngumiti iyong pulis na babaeng nakausap ko rin noon.
"Cellar number four," anito.
"Thank you," sabi ko bago nagmamadaling pumasok sa hallway.
Kagaya parin ng dati kong pagpunta dito, may mga sumisipol at tumatawag sa akin ngunit hindi ko na pinapansin.
Nang papalapit na ako ay doon ko lang naramdaman ang panlalamig ng sistema. There, Alma. Be brave. He's just Jack Aragon. Your destroyer and all. Kumalma ka. Galit ka sa kanya, huwag mo iyong kalimutan.
"Jack...Jack! 'Yung g-girlpren mo, nandito!"
Kinumpulan siya ng mga kasamahan niyang preso kaya hindi ko siya kaagad nakita. Noong humawi na ang mga kasama niya ay noon lang siya tumambad sa paningin ko. Sobra tatlong linggo na ang nakalipas simula noong makulong siya, and he's changed...a little.
Humaba na ang kanyang buhok ngunit magulo parin. His face is still handsome and serious. Malalim parin ang klase ng mga tingin niya. Bahagyang umawang ang mapupula niyang labi nang mapagtantong naroon nga ako.
Bigla siyang napatayo.
"You visited..." his tone is a mixture of surprise and joy. Joy?
Lumapit si Jack sa barandilya ngunit hindi humawak. Bakas sa mukha niya ang tuwa kahit seryoso parin ang ekspresyon. Ano'ng katuwa-tuwa ngayon?
I completely ignored recognizing what I'm feeling right now. This feels so wrong.
Pinanatili ko ang malamig at blankong ekspresyon. Tiningnan ko si SPO1 Mandival. Mukhang nakuha ko naman siya sa tingin kaya pinalabas niya si Jack.
Naghiyawan pa iyong mga kasamahan niya.
"Bati na 'yan!" pang-aasar nila.
Hindi ko na sila nilingon ulit. Taas-noo akong naglakad papunta sa Visitor's Hall. Ramdam ko namang nakasunod si Jack sa aking likuran.
Awtomatikong hinanap ng mata ko iyong parehong mesa kung saan kami nag-usap ni Jack noon. Iyong pwesto kung saan ko sinara at tinapos lahat ng kung ano mang meron ako para sa kanya.
Naglakad ako papunta doon at umupo sa kung saan ako umupo dati. Pinanood kong hinila ni Jack ang sariling upuan at umupo din sa aking harapan.
Wala munang nagsalita sa amin. Ginala niya ang mga mata sa buo kong mukha. "You look too thin. Kumakain ka pa ba?"
Malamig ko siyang tiningnan. Hindi man lang siya natinag. Bwisit, ah. "Why do you care?" I asked back.
He clenched his jaw. Now he's pissed?
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)