64th Fall
Requests
"Ano? What happened?" si Phia.
Umirap ako dahil halatang nang-iinis lang naman ang isang ito sa akin. Katatapos ko palang maligo pagkarating namin ng bahay at ibinagsak ko ang pagod na katawan sa malambot na kama. Napaungol ako dahil sa kaginhawaan. Kahit wala naman kaming masyadong ginawa sa Family Day kanina ay sobrang napagod ako. Mostly, mentally and...emotionally na rin. Siguro ay dahil sa napag-usapan namin kanina ni Jack. Hanggang ngayon ay pabalik balik sa aking utak ang kanyang mga sinabi.
Will I believe him? Will I talk to Guarry?
Why am I even considering the latter? It's obvious that he's the father! Siya ang mahal ng kambal ko at hindi si Guarry! Kaya bakit pa ako...
...dahil umaasa ka na naman. Dahil kahit konti, umaasa kang hindi nga si Jack ang ama.
Kahit na. Hindi parin pwede. Insulto sa kapatid ko kapag mahalin ko parin si Jack. Feeling ko kapag sarili ko ang pinili ko, habangbuhay akong hahabulin ng konsensiya ko. And I don't want that to happen. I respect my twin. I love her. Kaya kahit ako iyong malugmok. Ako iyong masaktan. Basta huwag lang siya. I am willing to have a tragic end for the sake of my twin's happy ending.
"Craziel got the second place in their Drawing competition..." sabi ko.
"Wow! Really?! Tell her congratulations!"
Nilayo ko ng bahagya ang telepono sa tenga dahil sa lakas ng boses ni Phia. May plano ata siyang bingihin ako, e.
"I'll tell her. Don't worry," sagot ko.
"Oh...so...wala ng ibang nangyari?" pangungulit niya pa. Iyong tono ng kanyang pagsasalita ay parang nakukulangan siya sa kinuwento ko.
Humugot ako ng malalim na hininga bilang pagsuko. Mabuti siguro kong sabihin ko kay Phia iyong pinag-usapan namin kanina ni Jack.
"We talked," halos pabulong kong sinabi. Kinagat ko ang labi ko.
Saglit na tumahimik sa kabilang linya. 'Tila ina-absorb pa ni Phia iyong sinabi ko. Tanging paghinga niya rin lang ang naririnig ko. It seems like she's also in her room alone.
"Tungkol saan ang pinag-usapan niyo?" biglang sumeryoso ang boses ni Phia.
Kahit hindi ko na sinabi kung sino ang kinausap ko ay alam na agad ni Phia kung sino ang tinutukoy ko. It looks like we shared same thoughts that we wouldn't need any exact terms to understand what we're talking about.
Muli akong bumuga ng hangin. Unti-unti na naman kasing bumibigat ang pakiramdam ko. Parang may nakadagang higanteng bato sa ibabaw ng dibdib ko dahil sa sobrang bigat nito.
Humigpit ang hawak ko sa cellphone. "He told me he's not the father. He told me he didn't do anything to Aziel... I don't get him, Phi. Bakit niya pa tinatanggi ang lahat kahit obvious naman na?" hindi ko intensyong manginig ang boses pero pumiyok ito. Umasim ang lalamunan ko sa mga nagbabadyang luha. Marami pa akong gustong sabihin pero hindi ko na masabi.
"Do you...believe him?" ani Phia.
Pumikit ako ng mariin. "H-hindi..."
"Iyong wish ko po pala..."
I broke the hug and looked at Craziel's all-smile face. Nasa likod niya si Jack at tahimik kaming pinapanood.
"What's your wish?" I asked, smiling too.
Tiningala niya si Jack at inabot ang kamay nito. Dahil sa taas noong isa, ang dulo ng daliri lamang nito ang kanyang naabot.
"We'll go back to Palawan..."
![](https://img.wattpad.com/cover/60789316-288-k170014.jpg)
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
Lãng mạnAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...