Kabanata Cincuenta y uno

156 12 3
                                    

51th Fall

Tweets & Wings

Ilang araw na rin ang lumipas simula noong bumalik ako rito sa California. Bumalik na rin ng Pilipinas si Phia, nakisabay na lamang siya sa XS team. Sobrang namimiss ko na sila, lalong lalo na si Jacksungit.

Speaking of, palagi kaming nagtetext ni Jacksungit. Palagi niya akong kinakumusta. He even often remind me to eat proper in time.

"Alma," nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang boses ni Mommy.

Nasa dining area kami at naghahapunan. Nasa harap si Mommy, Daddy, Ate Zammi at nasa tabi ko naman si Craziel na hanggang ngayon ay palaging dala-dala ang Pokémon bear na regalo ko sa kanya pagdating ko. She's now eating on her own.

"Po?" tiningnan ko si Mommy.

"When are you planning to enroll?" she asked.

"Hmmm. I'm thinking this last week of April ay uuwi ako. Mga first week nalang siguro ng May, Mom. Hahanapan ko pa kasi ng yaya si Craziel kaya kailangang maaga akong bumalik," sabi ko sabay inom ng aking tubig.

"Well then, you better go with us. By last week of April, we'll be back in Philippines." ani Dad.

Tumango ako.

Nagpatuloy nalang ako sa pakikinig ng pag-uusap nila tungkol kay Ate na sa susunod na school year ay magtatapos na.

When we finished our simple dinner, Craziel and I returned to my room. Si Ate Zammi ay nasa sarili niya na rin atang kwarto at tinatapos ang thesis niya.

"Baby, half bath muna tayo," tugon ko nang lapitan si Craziel sa kama yakap yakap ang Pokémon bear niya.

Once, noong gabi ng pagdating ko ng Cali, pagkatapos kong ibigay sa kanya ang pasalubong kong Pokémon bear ay sinabi niyang may naisip na daw siyang name para dito. Tinanong ko siya kung ano.

"Pokpok po!"

Halos masamid ako sa kinakain kong loami ng gabing iyon dahil sa sinabi ni Craziel.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Baby, it's not a nice name," mahinang paliwanag ko. Pokpok? Wtf?

Craziel pouted. "Why, Tita? It's a cute name! Pokémon... Pokpok!" Pumalakpak siya pagkatapos na akala mo tuwang tuwa siya sa pangalang naisip.

Binaba ko ang aking kinakaing loami pagkatapos ay nilapitan siya sa kanyang upuan. "Baby, trust Tita, it's not a nice name...It's a...a bad word," marahan kong kinurot ang kanyang matambok na pisngi.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon