46th Fall
Forgiveness
"Here's your orders, señorita. Enjoy your foods." Ngumiti iyong waiter pagkatapos maihain sa harapan namin ang mga pagkaing inorder ni Rose Belle.
"Thank you..." magiliw na ngumiti si Rose Belle doon sa waiter.
Bahagyang tumungo iyong waiter bago tumalikod at umalis.
"Kain na tayo, Alma," Tumingin sa akin si Rose Belle. Parang nag-aalangan pa siya kung makatingin. Nagtataka siguro kung bakit kanina pa ako tahimik.
Bigla tuloy akong nahiya. Dapat ay ipormal ko ang sarili ko.
Umayos ako nang pagkakaupo at inalis ang sarili sa pagkatulala. Sinubukan kong ngumiti at tumango. "Salamat sa pagkain," sabi ko sabay kuha ng kubyertos at tinusok sa pagkaing nasa aking pinggan. Sinubo ko ito.
"Walang anuman, anuba..." Tumawa si Rose Belle at nagsimula na rin siyang kumain.
I tried to enjoy the food and the place. Pilit kong inaabala ang sarili sa ibang bagay. Habang sumusubo ay pinapasyal ko ang tingin sa kabuuan ng restaurant and I can't help but to be amaze of the entire design of the resto. It's an another Spanish inspired architecture. Mula sa mga marbles na nasa bawat paligid, sa mga upuan at mesa. Kahit iyong counter table ay maganda ang pagkakaayos. Ang tahimik tingnan. Sadyang marerelax ka talaga.
"Ang totoo niyan, Alma..." pagsisimula ni Rose Belle nang nasa second course na kami. I have my salad as dessert.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at bahagyang kumunot ang aking noo. "Hmmm?" Nilunok ko ang panibagong subo ng aking salad.
Uminom muna ng kanyang pineapple juice si Rose Belle bago magpatuloy. "May gusto lang sana akong tanungin sa'yo," aniya.
Uminom na rin ako ng akin at inekis ang aking binti. Napapansin ko ang paminsan-minsang pagsulyap ni Rose Belle lagpas sa akin at parang may tinatanaw sa aking likuran pero hindi na ako sumubok na makitingin rin. Alam ko kung sino ang tinitingnan niya roon.
"Tanungin tungkol saan?" Binalik ni Rose Belle ang mga mata sa akin galing sa panonood sa aking likuran.
"Tungkol sa inyo ni Xyrel..." Binigyan niya ako ng nahihiyang ngiti.
Ilang saglit akong napatitig sa kanya dahil sa naging katanungan niya. Tungkol sa amin?
"Anong...tungkol sa amin?" Posible bang may alam si Rose Belle sa mga nangyari sa pagitan namin ni Jack? Ikwenento kaya ni Jack sa kanya ang tungkol sa...it's not even safe to say "us" because in the first place there is none...ang mga nangyari?
Yes, maybe. Jacksonn loved, or even still in love with this girl in front of me. I really am sure he's going to tell his uncertainties and concerns with her. Iyong mga bagay na sa "close" niya lang pwedeng sabihin. Pero mukhang lumabas naman noon na big deal ako sa kanya kung ganoon? Hays. Ewan ko...
Rose Belle stared her caramel eyes at me. Bahagya siyang sumeryoso. "Naalala mo ba noong inamin mo sa harap ng mga tao noon na gusto mo si Xyrel? Sa bahay nila?"
Napatitig ako kay Rose. Bakit niya ito tinatanong?
Bahagya akong tumawa. "Oo naman..." Paano ko iyon makakalimutan kung iyon ang pinakamatapang na bagay na ginawa ko sa buong buhay ko? Kahit na nakaramdam ako ng pagkahiya pero sa tuwing naiisip ko na ang ginawa kong iyon ay para kay Jacksonn ay pakiramdam ko ayos lang sa akin ang gawin iyon ng paulit-ulit.
Humilig si Rose sa kanyang upuan at pinilig ang ulo para pagmasdan akong mabuti. Bigla tuloy akong na-conscious sa klase ng paninitig niya. Her eyes were unreadable and more serious than earlier.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)