49th Fall
Number
"Talaga? Kulay asul?" Malapad ang ngiti sa labi ni Rose. Halata ang pagkislap ng kanyang mga mata.
Ngumiti rin ako at tumango tango. "Oo. Ang cute niya. Sobra..."
Kailangan pa naming lakasan ang aming pag-uusap dahil sa lakas ng tugtog sa loob ng bar. Medyo masakit sa ulong tingnan ang masalimuot na tao, mga artipisyal na usok dito sa loob at ang patay-sinding ilaw. Actually, noong nandoon pa kami sa Cali, pumupunta rin naman kami ng mga kaibigan ko sa mga ganitong lugar, iyon nga lang ay hindi madalas. Palagi nila akong iniimbita pero tumatanggi ako. Sumasama lang ako kapag nanggaling kami sa mga parusa katulad ng midterms at finals. Atsaka, I don't like the idea of being drunk. Wala akong tiwala sa sarili ko kapag nalalasing.
"Sayang," ngumuso si Rose. "Sana nakita ko ang eyes niya,"
Tumawa ako saka uminom ng aking juice na nasa mesa. Umayos ako ng upo sa sofa. Ang mga lalaking kasama namin ay nasa dancefloor na, ang iba naman ay hindi ko na alam kung saan sulok nangapunta. Kanina pa kami nakaupo ni Rose dito at nag-uusap tungkol sa cute na batang nakita namin kanina ni Jacksungit sa Parque del Oeste. His name is Efraim and it's so cute! Sobrang pag-aalala ng mga magulang ni Efraim kanina. His mother almost cried when she saw his little son with us. Labis ang pasasalamat nila sa amin nang matagpuan namin sila.
Binalik ko ang atensyon kay Rose. I caught her watching the wild crowd in the dancefloor.
"Mahilig ka siguro sa mga bata, 'no?" pagsasalita ko na nagpakuha ng kanyang atensyon pabalik sa akin.
"Sobra. Every Sunday, bumibisita ako sa Children Care Charity, iyon ang pinakalibangan ko. Atsaka, masayang kasama ang mga bata. Makukulit."
Mas lalong lumakas ang tugtugan. Dinungaw ko ang aking wrist watch, alas ocho na pala.
"Ang bait mo naman," komento ko bago tumawa. Hindi ko sinasadyang mapasulyap sa bukana ng bar, halos huminto ang tibok ng puso ko nang makita ang papasok na si Jacksonn. Akala mo naman modelo ng Victoria Secret kung maglakad. Halos lahat ng babaeng nadadaanan niya ay hinahabol siya ng tingin.
Goodness. Sino ba namang makakatanggi sa hotness at handsomeness niyang mukha? Lalo na kapag titigan ka na ng isang Aragon! I can't bear having five seconds eye contact with him! Pakiramdam ko kapag nagtatagal ay para akong nasusunog sa mga tingin niya!
Naririnig ko pang may sinasabi si Rose sa akin ngunit malayo na ata ang byahe ng utak ko. Jusko. Nakita ko lang siya, mukha na akong tangang lumulutang sa ere. Kagaya ng ibang babae ay sinundan ko ng tingin si Jacksonn habang naglalakad papunta ng bar counter. Sa katabing inupuan niya ay may isang sexyng babae na nakaupo rin.
Nawala lamang iyon sa paningin ko nang iwinasiwas ni Rose ang kanyang palad sa harap ng mukha ko.
"Uy, Alma. Nakikinig ka pa ba?" Tiningnan ako ni Rose na nakakunot ang noo.
Kumurap ako at nag-iling ng ulo. "Uh, ayos lang. I'm sorry." kaagad kong hingi tawad sa pagiging out-of-earth.
As being her, Rose Belle just gave me a kind smile. She's very pretty especially when she smiles. Hindi ko masisisi si Captain Warren kung nahulog siya sa ganito kabait at kagandang babae.
"Ayos lang. Bakit ka nga ba-"
Ang pagdating ng dalawang estrangherong lalaki sa aming mesa ang nagpatigil kay Rose Belle. Sabay kaming nag-angat ng tingin sa dalawang lalaki. They are both smirking. Parang mayamaya ay mayroon silang masasamang balak na gagawin.
Kaagad na hinanap ng mga mata ko si Jacksonn pero nahaharangan ang paningin ko ng dalawang lalaking hindi naman namin kilala.
"Hi, girls! Wanna dance with us?" One of the drunk boys said.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomansaAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...