Kabanata Cincuenta y siete

152 9 3
                                        

57th Fall

Alma or Aziel

Abot-abot ang tahip ng dibdib ko habang pinapanood ang bawat paglampas ng mga sasakyan. Bawat pagtibok nito ay sadyang masakit. Sinandal ko ang likod sa sandalan ng motor na aking sinasakyan. Pinikit ko ang mga mata. Literal na sumasakit ang ulo ko dahil sa iba't-ibang naiisip.

I couldn't even cry anymore. Sa tingin ko'y naubusan na ako ng luha dahil sa paulit-ulit na pag-iyak.

May namataan akong sari-sari store sa gitna ng byahe papuntang Barracks. Umayos ako ng pagkaka-upo. "Manong, pwedeng huminto muna tayo..." sabi ko.

Kaagad namang huminto iyong driver sa mismong tapat ng nasabing tindahan. Lumabas ako ng motorcycle at naglakad papunta roon.

Hindi ko maalis ang tingin sa boteng naka-display sa harap ng tindahan.

"Ano'ng atin, hija?" malumanay na tanong noong tindera.

Sinabi ko ang gusto kong bilhin pagkatapos ay bumalik na ng sasakyan.

"Tuloy na ho tayo..."

Habang papalapit nang papalapit sa patutunguhan ay pababaw nang pababaw ang nararamdaman ko. I don't exactly know what to feel about this. My insides were hollow... It was like my system had given up to function anymore. Wala na. Sawang sawa na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. I felt so lost. I felt so hopeless...

Tumigil na ang makina ng sinasakyan ko hudyat na nasa harap na talaga ako ng Coastalic City Jail. Humigpit ang hawak ko sa supot na dala-dala. Hinakbang ko ang paa upang makababa ng sasakyan. Matapos magbayad ng pamasahe ay tiningala ko ang lugar kung nasaan ako. May nakikita akong mga pulis na pumaparoo't parito. Mga taong pumapasok at lumalabas na mukhang bumibisita sa mga kamag-anak na nakulong.

Napaatras ako noong may nagmamadaling dalawang pulis na dumaan, pinakamalapit sa akin at may kasamang nanlalabang nakagapos. Napatigil ako sandali. Bumalik sa isip ko iyong mga oras na si Jack ang nakaposas sa aking harapan. Iniling iling ko ang ulo, nagbabakasakaling mawala ang iniisip ko.

May napapatingin sa gawi ko kaya inayos ko ang aking postura. Tumayo ako ng tuwid at taas noong naglakad papasok ng presinto. Hindi ko ininda ang panginginig ng mga paa ko.

Mas lalong maingay sa loob ng presinto. May sumisigaw at umiiyak.

"Walang kasalanan ang aking anak! Pakawalan niyo siya!"

Dumeretso ako sa pinaka-counter kung saan may babaeng pulis na abala sa pagsusulat ng kung ano man sa kanyang logbook.

"Excuse me..." I said.

Nag-angat ng tingin iyong pulis. "Yes, Miss?"

"Can I have my visit with...Mr. Aragon..." bumaba nalang bigla ang boses ko. Nanatili ang nagtatanong na tingin noong pulis sa akin.

"Ah, yes..." anito at may tinawag na pulis din. Lumapit ang pulis na tinawag. Hindi nalalayo ang edad niya sa akin nang tingnan ko saglit. I guess he's just a fresh graduate based on his appearance. And his face is somehow familiar. Parang nakita ko na dati but I don't have any time to recall about that.

"Pakihatid siya sa cell number four, bisita ni Mr. Aragon..."

Gaya ng sabi ay iginiya nga ako papunta sa kung nasaan man ngayon si Jack. Unti-unting natutuyo ang aking lalamunan nang lumagpas na kami sa pangalawang selda.

Come on, Alma. Bago ka pa man pumunta rito ay inihanda mo na ang sarili mo. Paano ka naduduwag ngayon?

Huminto si SPO1 Mandival nang nasa ikaapat na selda na kami. Tiningnan ko siya at itinagilid niya ang kanyang ulo na parang nagsasabing, "Go ahead." Kinagat ko ang labi at tinapangan ang sarili. Inangat ko ang ulo at tiningnan ang loob ng ikaapat na selda. Hindi ganoon karami ang naroon. Mga limang tao lamang ang naroon kumpara sa ibang seldang dinaanan namin.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon