Kabanata Treinta y uno

172 8 1
                                    


31th Fall

Broken Heart

"Psssst. Alma?"

Hmmm. Sino bang nanunundot ng tagiliran ko? Alam ng natutulog pa iyong tao. I rolled on my side.

"Alma! It's already nine thirty! Lagot ka kay Tita Yenna!"

Bigla nalang akong napamulat dahil ang sakit ng tenga ko sa sigaw na iyon. "Ano ba?" naiinis kong utas habang nakahiga pa rin.

Tinampal niya ako sa pwetan. "Bumangon ka na nga!" pangungulit niya sa akin.

"Ano ba? I'm still sleepy!" reklamo ko habang bumabangon. Hinanap ko ang matinis na boses na iyon at naiiritang mukha ng best friend ko ang nakita ko.

Napahawak ako ng ulo dahil masakit ito. "Argh..."

"Itong medicine. Inumin mo," sabi ni Phia at may ibinigay sa aking baso.

Tinanggap ko iyon at uminom. Pagkatapos ay nilapag niya ang baso sa bedside table ko...wait, kelan pa naging itim ang kulay ng mantle ko? Caramel iyon ah! Inilibot ko ang tingin sa kwarto kung nasaan ako ngayon. Holly! Bakit puro itim ito?

"Phia!" sigaw ko.

"What?" kaagad akong dinaluhan ni Phia at hinawakan sa aking balikat. Niyugyog niya pa ako. "Nasaan ang masakit? May masakit ba sayo? Ha? Nasaan?" sunod sunod niyang katanungan.

Umiling ako sa kanya. "Kaninong room 'to? This is not my room." sabi ko habang patuloy pa ring nililibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto.

Everything is black. Black ceiling. Black walls. Black sheets of bed. Black comforter. Black curtains. What the hell? Is this a room of a devil?

Napatingin ako kay Phia nang tumawa siya.

"What's funny?" iritado kong sabi sa kanya. Masakit pa ang ulo ko, ha!

Umupo siya sa harap ko. Lumubog ang itim na kama. Tinitigan niya ako sa mata na parang may binabasa. Sarap niyang kutusan!

"You don't remember any single thing?" mahina niyang tanong.

Kumunot ang noo ko. "What..." but then my supposed to be question faded half way when the memories of last night slowly drown into me.

Umattend ako ng party kina Jack. He's with me while I'm eating. He asked me if I really like him. Sumigaw ako sa gitna ng party na gusto ko siya. Dinala niya ako sa loob ng kanyang bahay at umiyak ako. We danced.

Oh my...

Lahat ba iyon totoo? Lahat ba iyon nangyari? My god! Ginawa ko iyon? For all martyrs' sake!

Bali siguro sa ekspresyon ko ay nabasa ni Phia ang iniisip ko. Ngumiti siya nang malapad sa akin. "I am very proud of my bessy. Tandang tanda ko pa ang speech mo kagabe. Kabogs! " sabi niya sa akin at pumalakpak.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. Hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong maramdaman doon.

"Tapos dinala ka ni Jack sa loob. Anong ginawa niya sayo, bessy?" nanliit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "I know he hates too much attention, pero kung may ginawa siya sayo kagabe kaya ka nahimatay sabihin mo sa akin! At makakatikim talaga siya!" pinakita niya pa sa akin ang nakatikom niyang kamao.

Bumuntong hininga ako bago nagpasyang bumaba ng kama. Hindi na ako nag abala pang tingnan kung ano ang itchura ko sa salamin. Dumeretso ako sa terrace ng kwartong ito para man lang makalasap ng preskong hangin.

Sumunod si Phia sa akin.

Humampas sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. "Wala siyang ginawa sa akin, Phi..." pagsasalita ko. Nahimatay ako? Siguro dahil sa kalasingan.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon