14th Fall
Don't Need
"Advance Merry Christmas!" Maligayang bungad sakin ni Phia nong makarating na ako sa supposedly tagpuan namin.
Actually, inimbeta lang nila ako kahapon. Tinawagan at sinabing-no, more like pinilit na dumalo sa selebrasyon nila.
Phia seems so close with the team. Halos lahat ata ng team andito.
"Kelan daw darating si cap? Mag aala sais na, ah!" Nilingon ko si Xinna na kanina pa palakad lakad, mukhang hindi mapakali.
Oo nga, no. I haven't met their captain yet.
It's one day before Christmas, at napagpasyahan daw ng team na mag celebrate. Nasa rooftop kami ng bahay nina Kai. Unti unti ng lumulubog ang araw. Bahagya na lamang itong nakasilip sa mga kabundukan. The moon is slowly creeping up.
Ang ganda dito sa rooftop nina Kai. Kitang kita mo talaga ang city lights. It looks like the reflection of the stars up above the sky. The moving lights of the moving cars on the road and the twinkling Christmas series displayed on every houses manifests the sparkling of the thousand stars.
Ang gandang tingnan. Parang nakakadagdag sa feels ng Christmas.
"May ginawa pa daw, they're on the way now," narinig kong salita ni Joe.
Busy ang lahat sa ginagawa. Iyong iba ay hinahanda ang mga pagkain, inumin (hindi naman hard tulad ng sa Palawan), teasers, and chichiriyas para saming mga girls.
Ako, hawak hawak ang cellphone dahil kakatext ko palang kay mommy na nakarating na ako sa bahay ng kaibigang pupuntahan ko which is kina Kai na nga.
Hinarap ko si Phia na maingay na kumakain ng Piatos. "Phi, ano pang pangalan ng captain ng XS team?" Mahina kong tanong.
Nilunok niya muna ang nginunguya bago ako pinagkunutan ng noo. "Jude Warren Chua," ani Phia.
Tumango ako. "Ah, okay,"
"Oh, they're here!"
Awtomatikong napalingon kami sa pintuan ng rooftop. Mula doon ay niluwa ang dalawang tao. Nakilala ko si Rose Belle with her usual jacket outfit. Hindi ko pa ata siya nakitang nagdress. At ang kasama niyang gwapong lalaki ay -
"Hay, salamat! Nakarating din kayo captain! Manager..." Nag bro fist si James kay Warren. Napatitig ako doon sa lalaki. Wait...siya 'yung, 'yung kasama ni Rose sa park isang gabi! Yung naabutan ko si Jacksungit na pinapanood sila...
Nakangiting nilibot ni Rose Belle ang paningin. Nang makita niya ako ay bahagyang nanlaki ang mata niya pero agad din siyang ngumiti sakin. Bahagya akong ngumiti sa kanya. Iyong utak ko ay naglalakbay pa rin sa mga nangyari doon sa park.
Unti unti kong nabubuo ang mga pangyayari. It was like a puzzle, a maze. Jacksungit is in love with this girl, but this girl is in love with other guy. And this other guy is no other than Jacksungit's captain...
Naiimagine ko palang 'yung nararamdaman noon ni Jacksungit habang tahimik na pinagmamasdan ang babaeng mahal niya na masaya sa iba, parang pinipiga na ang puso ko. Ramdam na ramdam ko 'yung sakit doon. Why?
"Hi Alma! Nandito ka pala..." Nakangiting linapitan kami ni Rose. "Hi, Phia," baling niya rin sa bestfriend kong tahimik pa ring kumakain ng junk food.
Pareho kaming ngumiti kay Rose. "Oo nga, e. Inimbeta lang ako," paliwanag ko.
Umupo siya sa tabi ko. Nasa malapit na dulo kami ng roof top dahil gusto ko 'yung lamig ng simoy ng hangin.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)