32th Fall
V Cards
"I'm sorry..." ang tanging nasabi ni Jack nang kami na lamang dalawa ang nasa kanyang sasakyan.
Una niyang inihatid si Phia at ako na lamang ang ihahatid niya.
Hindi ako umimik sa sinabi niya. Bakit siya nagso-sorry? Dahil ba sa nakita ko? Aysus. Ayos lang naman iyon. Hindi niya naman kasalanan.
Simula kasi nang umalis kami ng kanilang bahay ay tahimik na ako. Kahit si Phia tanong nang tanong sa akin kung ano daw ba ang problema ko. Sinabi kong wala malamang nasa harapan kami ni Jack.
Alangan namang sabihin kong, "Ito sinaktan na naman ni Jacksungit." Haler, hindi pa ako nawawala sa katinuan.
Nanatili ang tingin ko sa harap ng kalsada. Nagfa-flashback pa sa utak ko ang nakita ko kanina. Kung gaano kalapit ang mukha ni Yvonne at Jack sa isa't-isa. Kung paano sila magtitigan...damn, Alma! You're such a masochist!
Lutang ako at maraming iniisip. Dati naman hindi ako ganito. Ang tanging nagbibigay problema lang sa akin ay ang patong patong na proyektong ibinibigay ng mga guro sa amin o di kaya ang pagiging pasaway ni Craziel. Ang babaw lang ng mga rason ko para mastressed. Pero simula nang tumapak akong muli ng Pilipinas nagkabali-baliktad na ang normal na takbo ng buhay ko.
Pumikit ako.
Aziel, tulungan mo naman ako. Ito ba ang dahilan kung bakit gustong gusto mong pabalikin ako ng Pinas? Para may makilalang lalaki na mamahalin ko pero sasaktan lang ako? Joke lang Az, hindi kita sinisisi.
"Dressa..."
Napamulat ako nang malambing na banggitin ni Jack ang pangalan ko. Halos manindig ang balahibo sa batok ko dahil sa husky ng boses niya. Nilingon ko siya habang nakasandal pa rin sa backrest ng kanyang sasakyan. Naabutan kong nakatuon ang pansin niya sa aming dinadaanan.
And now I am not that sure if I'd wish for this ride to be endless. Because every time I see him, it's quite painful.
"Hmmm?" as long as possible I want him to see me okay and fine.
Act, Alma. Act.
"Iyong nakita mo kanina, it was just...I mean it's nothing..."
Napangiti ako nang mapait. Bakit pa siya nag aabalang magpaliwanag? With or without explanation, it's just the same. Ayos lang naman sakin, e. I'm sure I'll be use to it. I'll be used of the pain. Hindi man ngayon pero alam kong masasanay din ako.
"Ayos lang naman sa akin 'yun, Jack. Hindi mo obligadong magpaliwanag..." malumanay ang boses ko.
Sumulyap ako sa katabi kong bintana. Pinanood ang mga nakakatagpong sasakyan. I felt a hole in my stomach. A hole in my everything. Ang gusto ko nalang ngayon ay magpahinga. Pagod ang tanging namamayani sa akin ngayon. I'm tired physically and emotionally.
For the first time, hinihiling ko na sana bumilis ang oras. Para makarating na ako ng bahay at makalayo kay Jack. Time out na muna sa masakit na pag ibig na 'to.
Halos lumukso ako papalabas ng kanyang sasakyan nang huminto ito tatlong bahay bago sa amin. Hindi ko alam kung bakit hindi siya humihinto sa mismong bahay namin. But oh well...
Bababa na sana siya nang pinigilan ko. Napatingin siya sa kamay kong nasa kanyang braso. Kaagad na nag init ang pisngi ko at tinanggal iyon. Inangat ko ang tingin sa kanya. "Ako na. Salamat sa pag alaga sa akin kagabe at sa paghatid mo sa akin ngayon..." ngumiti ako sa kanya. At least ngayon, I'm true to my smile.
His eyes was fixed on me. Kapag sinusubukan kong tingnan siya pabalik ay hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Lalo na kung ang mga tsokolate niyang mga mata ay para kang hinuhugot papunta sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/60789316-288-k170014.jpg)
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...