Kabanata Dieciocho

205 6 0
                                        


18th Fall

First Downfall

Lunod na nga ako, mas lalo mo pa akong nilulunod Jack. Jusmiyo, Alma. Pigilan mo ang sarili mo. Alam mo namang hindi ka sasaluhin ng lalaking 'yan, pero nagpapalaglag ka pa rin? WTF.

"Alma? It's Christmas eve! Lumabas ka na dyan."

Mula sa pagkakahiga ng kama ay kaagad akong bumangon. Inayos ko ang buhok habang naglalakad papalapit ng pintuan. Binuksan ko ito at mukha ng mommy ko ang tumambad sa akin.

"Uh, mom..." Nag iwas ako ng tingin.

Naramdaman ko ang pagsunod ng titig ni mommy sa akin. Kumunot ang kanyang kilay. "What happened to you, Alma? You're very red!" ani mommy.

Kinagat ko ang labi ko. Shems. E sa kinikilig pa ako!! Binati ako ni Jacksungit! On damning twelve christmas eve! Napahawak ako sa mukha ko. "Wag niyo na hong pansinin 'mmy. Meron kasi ako ngayon," palusot ko.

Tinaasan lang ako ng kilay ng nanay ko. "Anong kinalaman ng pamumula ng pisngi mo at sa pagkakaroon mo ng regla, aber, Alma?" Hinahamon talaga ako ni mommy!

Wag na wag niyo 'kong hinahamon, mom! Tiningnan ko si mommy. Pinantayan ko ang klase ng titig niya. Nag taas noo pa ako. "Mommy, hindi ba tinuro sa inyo noong grade eight kayo ang tungkol sa adaptation?" Confident kong sabi.

Mommy furrowed her eyebrows. "What's the connection of it with my question Alma?" Tumalim ang tingin ni mommy sakin.

Pero hindi ako nagpadala. "The connection 'my is that my red days adapted the color of my face." Ganeeerrrn.

Napa iling iling nalang ang mommy ko. "I do not know I have a noob and crazy daughter." parang ngayon lang narealize ni mommy ang sinabi niya bago ako tinalikuran.

I bulged my eyes in disbelief. "Mom! I'm not noob and crazy!" Bakit palagi nila akong sinasabihan na bobo at baliw? PP ako! Pretty lang hindi Perfect. Hindi BB! Arghhh.

Sumunod ako sa baba. Nagulat akong nandoon na si Craziel at si daddy. Kanina pa sila gising?

Nang makita ako ni Craziel ay bumaba siya ng kanyang sariling stool at patakbong lumapit sakin. "Titaaaaaaaaa! Merry Christmas! I miss you!" Awwww.

Kinarga ko siya at hinalikan sa matambok niyang pisngi. "Parehas pala tayo baby. I miss you too. Merry Christmas." Craziel giggled. Kaya tumawa na rin ako.

Naglakad ako papuntang mesa namin at binalik si Craziel sa dati niyang inuupuan. Lumapit ako kay daddy at niyakap siya.

"Merry Christmas daddy!" Maligayang sabi ko. Daddy Hacob just smiled and hugged me back.

"Merry Christmas swettie." He greeted back.

Lumapit din ako kay mommy at niyakap siya. Binati ng maligayang pasko. "Merry Christmas too, Alma." Bati ni mommy.

Nilingon ko ang paligid. Nag niningning ang bahay dahil sa iba't ibang Christmas lights na nakadisplay. May maliit ding mellow Christmas songs na naka play.

Tinahak ng mata ko ang ginawa kong Loami the Christmas Tree. Napangiti ako nang makita ang pagniningning nito. It looks like a real mistletoe.

Nahagip ng mata ko ang papalapit na si Fatima. May dala dala siyang pitsel ng tubig. Matapos niyang ilagay ang dala dala ay lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Merry Christmas Fatty!" Halatang nagulat si Fatima sa ginawa ko. Nanigas, e. Pero noong nakabawi siya ay ngumiti siya ng malapad sakin kahit parang medyo nahihiya.

"Merry Christmas din po Miss Alma," sabi ni Fatima at nag bow. Tumawa ako at nag bow din.

"Nasan si Monay?" Tanong ko kay Fatima.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon