Kabanata Sesenta

162 8 0
                                    


60th Fall

Daddy

Tahimik lamang kami habang bumabyahe. Inabala ko nalang ang mga mata sa bawat sasakyang nakakasalubong namin sa daan. I wanted to ask Guarry where are we heading but I chose to shut my mouth.

Mabilis kong sinulyapan si Guarry. Seryoso lamang ang mga mata niyang nakatuon sa daan. Hindi ko na napigilan ang sarili.

"You're so serious, Guar, alam mo iyon?" sabi ko.

Hindi man lang siya natinag sa sinabi ko. His Adam's apple protruded when he gulped. It looks like he's having an internal struggle...fighting so hard for something. Sa ilang buwang pagkakakilala namin ni Guarry, he's so transparent to me that I think I could easily identify his every expression.

Bago pa ako makapagsabi ng panibago ay hininto na niya ang kanyang sasakyan sa isang pamilyar na parke. Naunang lumabas si Guarry. Hahawakan ko na sana iyong pintuan nang bigla iyong bumukas.

Nag-angat ako ng tingin kay Guarry. Ang kamay niya'y nakahawak sa pintuan ng sasakyan. Nang magtama ang mga tingin namin ay bahagya siyang ngumiti. But I know him to well. It was a fake one.

"Thank you..." untag ko ng lumabas na.

Narinig ko ang pagsarado ni Guarry ng pintuan sa aking likod.

"Bakit dito mo ako dinala? Ang creepy mo ngayon, Guarry, alam mo iyon? May problema ka ba?" dere-deretso kong tanong. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

For so many weeks of not seeing each other, not even texting or communicating, alam kong maraming nangyari tungkol sa kanya. I can't stop myself for being so curious about his attitude right now. Guarry is important to me. He's meant like a family...a dear friend...

"How are you?" he asked.

Tumigil siya sa paglalakad sa harap ng isang pamilyar na bench saka ako binalingan. Hanggang balikat niya lamang ako dahil sa taglay niyang taas kaya kailangan ko pang iangat ang tingin sa kanya.

Mataas ang tirik ng araw ngunit ang bench na ito ay natatakpan ng malaking puno ng guyabano. Hindi ganoon karami ang narito ngayon dahil hindi naman ideal time ang alas diyez ng umaga para mamasyal.

"I'm fine..." I cannot hide the little uncertainty on my voice.

Mas lalo lamang sumeryoso ang mukha ni Guarry, hindi inaalis ang tingin sa akin. Ako na ang unang pumutol sa tinginan namin. Natatakot akong may mabasa siya sa mga mata ko.

"You often pretend like you are not a human, Alma." lumamig ang kanyang boses. "You often lie of being okay when your eyes are frankly saying you aren't..."

Bahagyang napawi ang ngiting nakaguhit sa aking labi. Napanguso ako. Nanatili ang mga mata ni Guarry sa akin. Like he's watching my every move.

Bahagya siyang tumabi nang naglakad ako papunta sa bench at doon naupo. Tiningala ko siya ng tingin. "Nasaan ang camera mo?" tanong ko.

Nalukot ang kilay ni Guarry. Ngunit hindi nakatakas sa akin ang mabilisang pagkislap ng kanyang mga mata. Parang lumiwanag sandali ang kanyang ekspresyon. "It's in the car..." he answered.

"Kunin mo. Tapos piktyuran mo ako ulit..." I smiled a little. I am trying to make our conversation lighter. Hindi ako sanay na mabigat ang atmosphere sa aming dalawa.

Hindi kumilos si Guarry sa kanyang kinatatayuan. "As much as I wanted to make another memorable moment here with you, Preciosa, I think I can't anymore..." his voice seems so far away when he said that.

I knitted my eyebrows in total confusion. Tumama ang naguguluhan kong mata sa mga mata ni Guarry na puno ng 'di mabasa-basang emosyon.

Ibinuka ko na ang bibig para magsalita ngunit pigilan niya ako. 

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon