5th Fall
Don't Leave Me
It's been almost a week since una kong nakilala ang lalaking mga kaibigan ni Phia. Nalaman kong lahat pala sila ay myembro ng basketball sa kanilang school. Halata naman kasi. Porma palang e. Pang basketball na. Nakakatuwa lang dahil hindi lang sa pagshoot ng bola sila magaling, they are also great in volleyball!
At dahil byernes ngayon, sinabi ko kay Phia na gusto kong pumunta ng school nila. Yup, it's the same school I will going to enroll next school year. Gusto ko lang makita.
"Good morning, C!" Bati ko kay Craziel nang gumising na siya. Kanina pa kasi ako gising, nanatili lang akong nakahiga sa kama at tinitingnan ang mala anghel na mukha ni baby Craziel.
She pointed her lips. Dahan dahang bumangon at nag inat. Kinusot niya ang mga mata at tiningnan ako. Gumuhit ng isang malapad na ngiti ang kanyang labi.
"Good morning, tita Dressa!" Aww. Good mood ang gising ng baby ko ah?
Tumawa ako nang niyakap niya ako nang mahigpit. Actually, Craziel has her own bedroom, ang problema nga lang ay ayaw niyang matulog doon dahil natatakot daw siya. Specially, kapag kumukulog, kumikidlat at umuulan.
"Ganda ng gising natin, a?" Nakangiting sabi ko.
Tumango tango si Craziel. "Hmm, hmm..." Aniya. Pero, mayamaya ay hinarap niya ako.
"Tita, kagabi, I heard you murmuring again..."
Napatitig ako kay Craziel. "Was I?"
Tumango siya. "Opo. You're saying a name hmm, what was it again? Az...Aish! I forgot..." Nagpout pa ang baby ko.
Ngumiti ako ng hilaw then pinched her cute pinky cheeks. Was I dreaming again? Hanggang ngayon ba na nandito na ako sa Pilipinas, hindi niya ako kayang tantanan?
Aziel...
Iniling ko na lamang ang ulo ko para mawala iyon sa isipan ko. It was almost two weeks mula noong umuwi kami dito, but that dream is always hunting me...
Bumangon na ako at inalalayan si Craziel na bumaba ng kama. Ayaw niyang magpakarga e.
"Tita, is there any problem?" Dinungaw ko si baby C habang papalabas kami ng room.
Kumunot ang noo ko. "Uh, no baby..."
"You look so sad e..."
Napangiti nalang ako dahil sa narinig. Aww. Ang sweet ng baby ko. "Hindi, baby. Gutom lang si Tita... Let's take our breakfast na."
Nang makarating kami ng sala ay naabutan namin si mommy at daddy. Nagkakape na sila nang maabutan namin. Bumitaw si Craziel sa kamay ko at naunang tumakbo papunta sa kanyang lola at lolo. Sumasayad pa ang pajama nitong suot. "Dahan dahan, Craziel! Baka madapa ka!" Pahabol ko.
She kissed and greeted mommy and daddy a good morning. Magiliw na tumawa ang mga matatanda habang binabati din si Craziel at may yakap pa.
"Alma, come here. Kain kayo..." Lumapit ako sa kanilang dalawa and kissed them on the cheeks as I greet them a good morning.
Matapos ay umupo na ako sa tabi ni Craziel. She has the highest chair here. Kaharap namin sina mommy at daddy.
Kumuha na ako ng kanin at nilagay sa platong para kay Craziel. "I want hotdog!" Tumango ako at iyon ang nilagay sa kanyang pinggan. Tumawag ako ng isang katulong para ipagtimpla ng gatas si Craziel.
Matapos kong ayusin ang pagkain ni baby C ay kumuha na ako nong akin.
"By the way, your ate Zammi called last night..." Inangat ko ang tingin mula sa pagkukuha ng bacon at ipinukol ang tingin kay mommy na ngayo'y nagpupunas na ng kamay.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
Любовные романыAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...