9th Fall
Game of Chance
Binuksan ko ang pinto. Tumambad sa paningin ko ang walang emosyong mukha ni Jack. Nakajacket na siya ngayon, at itim na black jeans. Magulo ang buhok niya na mas lalo lang nagpaibabaw ng kagwapuhan niya. Tanginuh. Siya nang gwapo!
Bigla tuloy akong naconcious sa pustura ko ngayon. Omaygad! Nakapantulog lang pala ako! And when I say pantulog, as in sleeveless shirt at short shorts! E ayaw kong matulog ng balot kasi ang init! Kung pwede nga lang maghubad ako pag natutulog, e, ginawa ko na. Kaso kasama ko sa Craziel sa kwarto ko kapag natutulog.
Nang marealize ko ang itsura ko ay nag amba akong isarado ang pinto, kaso mabilis na hinarang ito ni Jack! "Don't close the door." Malamig niyang sabi.
Halos manginig pa ako dahil sa sobrang lamig noon. Naramdaman ko ang pagpasyal ng mata niya sa kabuuan ko. Agad akong nakaramdam ng pamumula sa mukha.
"Do you sleep with that outfit?" Nakakunot ang noo niya. Parang hindi siya makapaniwala. "Paano nalang kung..."
Ako naman ang kumunot ang noo ngayon. "What? May problema ka sa damit ko?"
Nakita kong muli niyang ginala ang tingin sa akin. Huminto ang mata niya sa mismong dibdib ko. Nanlaki tuloy ang mata ko at biglang tinakpan ang harapan. "Pervert!" Pabulong ngunit may diin kong sabi. Hindi naman fully open 'yung pinto, mga one half lang.
Sumilay ang mapaglarong ngisi sa mga labi niya. "Your cleavage is showing, miss. Don't label me as pervert, wala namang kabastos bastos sayo." Tabas talaga ng dila ng lalaking 'to!
"Bwisit kang antipatiko! Umalis ka sa harapan ko!" Namumula ang pisngi ko habang sinusubukang alisin ang pagkakahawak ng kamay niya sa pinto ng kwarto para mapagsadhan ko na! Pumunta lang siya dito para istorbuhin at insultuhin ako?
Bwisit ka Jack!
"Kanina ko pa gustong umalis, kung alam mo lang. But you're not listening to me..." Aniya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala ka pa ngang sinasabi, paano ako makikinig?" Humakbang ako papalabas. Nakita ko naman siyang umatras.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Don't go out with your dress like that." Medyo may diin niyang sabi. Hindi ko 'yun pinansin. Lumabas lang ako dahil ayokong magising si Craziel dahil sa pang iistorbo ng lalaking 'to.
Sinarado ko ang pinto. Walang tao sa hallway. Ang tahimik nga, e. Sa tingin ko it’s now around seven pm. Hinarap ko si Jack at humalukipkip. He just raise his eyebrow at me.
"Anong sasabihin mo?" Tanong ko, tinaas din ang kilay. Akala niya siya lang marunong?
"I won't talk to you unless you get a descent dress. Go." Sabi niya bago sumandal sa pader katabi ng pinto.
Napatitig ako sa kanya, hindi makapaniwala. "Ang arte mong sungit ka! Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Nang iistorbo ka kaya ng pagtulog—!" Nagulat ako nang bigla niyang takpan ang bibig ko gamit ang kamay niya.
Jusko. Ang lambot at ang init. Bigla na namang kumalabog ang puso ko. "Tone down your voice, will you? Ang ingay mo." Aniya bago inalis ang kamay sa aking bibig.
Hindi muna ako nakakilos sa kinatatayuan ko. I'm still in a state of shock. The touch of his skin against mine sent vibrations to my spine. Pilit kong kinakalma ang naghaharumentadong sistema. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ako nagkakaganito?
"Hoy. Have you lost your mind?" Nabalik ako sa katotohanan ng mundo nang maramdaman ang pagtapik niya sa balikat ko. At dahil naka sleeveless lang ako ay naramdaman ko na naman ang init ng kamay niya at 'yung kuryente.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)