44th Fall
Airplane
Tulala lamang ako nang makabalik na ng kwarto. Wala sa sariling umupo ako ng kama. Kaaalis lamang ni Jack. It's funny how I wanted him not to go yet. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Hindi lahat ng oras kailangang sundin ang sinasabi ng puso.
Napatingin ako sa aking kamay na nakapulupot sa bagay na ibinigay ni Jack. Isa itong mahabang kahon. Kulay green at may simpleng ribbon na nakabalot sa kahon.
Lumunok ako bago napagpasyahang buksan ito dahil kanina pa ako nagtataka kung ano ang laman nito. Pangungulila ang namayani sa akin habang unti-unti kong binubuksan ang kahon. Lahat ng mga sinabi kanina ni Jack ay tumatak sa isipan ko.
Napatigil ako nang makita ang isang maningning na kwentas sa loob ng kahon. Nanginginig ang mga kamay ko nang hinay hinay itong dinampot. Napakagat ako ng labi nang makita ang pendant ng kwentas. Eroplano...
Mas maganda kung ang kwentas na galing sa akin ang suot mo ngayon, Dressa. Hindi ang building na ito. Eroplano...
Jack's words flashed on my mind.
Husto-hustong pagkalabog ang ginawa ng aking dibdib. Pakiramdam ko nanganganib na lalabas ang puso ko mayamaya. Habang abala ako sa pagtingin sa mamahaling kwentas na ibinigay ni Jack sa akin ay may napansin akong papel sa loob ng kahon.
Bahagyang kumunot ang aking noo. Kinuha ko ang papel at binuksan.
My dear Dressa,
Gaano ko man kagustong isuot agad ang kwentas na ito sa'yo ay hindi pwede. Kahit gustong gusto ko ng alisin iyang kwentas na suot mong bigay ng iba ay mas lalong hindi pwede. Kailangan kong magtiis. Kailangan kong maghintay. Ito ang parusang kailangan kong tiisin kahit halos araw araw ay para akong pinapatay ng selos sa tuwing nakikita ko kayong magkasama ng gagong iyon.
My dearest girl, I am more willing to wait. Hihintayin kita, Dressa. Hanggang sa dumating ang araw na piliin mo ulit ang bumalik sa akin. Hindi na ako magpapakaduwag. I am going to fight for what is mine now. Ang kwentas na ito ang magsisilbi kong patnubay. Kung sa susunod nating pagkikita ay suot mo na ito, nangangahulugan lamang iyon na pinatawad mo na ako. At kung sakaling hindi naman, gaya ng sabi ko, kaya kong maghintay.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)