50th Fall
Adiós España
"Guarry..." mahinang sabi ko habang pinapanood ang paparating na sasakyan.
Bumaling din doon si Jacksonn at bigla nalang tumalim ang titig niya.
Bumukas ang pintuan ng sasakyan ni Guarry at iniluwa siya doon. He's wearing a caramel pants and a white polo shirt na nakatupi hanggang siko. His perfectly combed and gelled hair is shining below the light's reflection.
Dumapo agad ang tingin niya sa akin. Seryoso rin ang mga mata niya. Naglakad siya papalapit.
Napalunok ako dahil pakiramdam ko ang bigat ng atmosphere ngayon.
"Guarry..." tawag ko ulit.
Tinanguan niya ako. Hindi pinapansin ang katabi ko. "I'm going to fetch you now." he said.
Tumango nalang ako nang makita ang lungkot sa mga mata niya. Alam ko ang iniisip niya ngayon. At nasasaktan ko na naman siya.
Nilingon ko si Jacksonn na kanina pa tahimik. Malayo ang kanyang tingin at nakatiim-bagang.
"Masyado pang maaga, François. Pwede namang ako nalang ang maghatid sa kanya." Kontrolado ang boses ni Jack. Pero hindi siya nakatingin sa amin. Nasa kalsada ang kanyang mga mata.
"She's my responsibility here. Ako ang nag-imbita sa kanya kaya kung may mangyari mang masama-"
"Do you think I'll let that happen?" putol ni Jack kay Guarry. Bawat salita niya ay parang patak ng asido.
Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Guarry at matalim na tiningnan si Jack. Nakakatakot ang tinginan nila. Anytime, they can punch each other!
"Because you're an asshole. You never cared about her from the very start, Aragon. We both know that," Guarry backfired.
Kumalabog ang puso ko nang bigla nalang sinuntok ni Jack si Guarry sa mukha! Oh goodness!
"Guarry!"
Hindi ako nakalapit nang kinuwelyuhan ni Jack si Guarry. Natamataan ko ang dugo sa gilid ng labi nito. Natutop ko ang aking bibig.
"Kung sino man ang mas gago sa atin alam mo kung sino, Hernandez. Tangina. Huwag mong ipasa sa akin ang kagaguhan mo." Galit na sinabi ni Jacksonn.
Lumingon lingon ako sa paligid at nagbabaka-sakaling may pupwedeng tumulong sa amin o kung may makakita man lang sana! Pero ngayon pa talaga nawalan ng tao dito sa labas. The party inside might be at its peak.
"Jack, bitiwan mo si Guarry. Walang ginagawa iyong tao sa'yo." singit ko pero mukhang wala lang siyang narinig mula sa akin.
Nanatili akong nakatayo roon at mukhang tangang pinapanood lamang ang dalawa na ayaw namang magpatinag. Kita ko ang panginginig ng kamay ni Jack na tila gusto niya talagang suntukin muli si Guarry. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa nakabulagta si Guarry.
"Baka nakakalimutan mo, Jack. May alam ako. Alam ko ang baho mo kaya huwag kang magmalinis." Guarry spits.
Hinigpitan pa lalo ni Jack ang pagkwelyo kay Guarry. Nadagdagan lamang ang takot ko nang makita ang pamumutla ng mukha ni Guarry! Mukhang nahihirapan na siyang huminga dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanyang damit!
"Jacksonn, ano ba!"
Gamit ang natitira kong lakas ay hinigit ko siya papalayo kay Guarry. Baka kung anong mangyari sa kanya!
Binitiwan ni Jack si Guarry ngunit nanatili ang talim ng tingin nito rito. Nilapitan ko si Guarry na ngayo'y nagawa pang ngumisi kahit sugatan ang mukha.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)