63th Fall
Love
Matapos ang picture taking na ginawa sa photo booth ay binigyan pa ng trenta minutos na break para sa mga contestants ng nasabing drawing competition. I think para na rin iyon sa pag-imprinta pa ng mga litrato.
Pagkalabas namin sa photo booth ay bumalik kami sa aming mesa na nasa gilid na bahagi ng malawak na front porch.
Nakangiting bumaling sa amin si Sheeny habang nasa tabi niya parin si Xillas. Hindi ata umalis sa pwesto niya simula noong pag-alis namin. Clingy, e. Clingy din kaya si Jacksonn?
Pinilig ko ang ulo para mabura ang iniisip. It's... I must not bother questioning that anymore...
"Kumusta?"
Hindi pa kami nakakaupong tatlo ay iyon ang salubong sa amin ni Sheeny. Gusto ko nalang mapailing sa malisyang nakaguhit sa mga mata niya.
Kanina parin tahimik si Jack. Well... Mas mabuti na rin siguro iyon. At least, hindi ko na kailangang magpaka-trying hard na iwasan siya.
Itinuon ko na lamang ang buong atensyon kay Sheeny.
"After thirty minutes pa magsisimula iyong contest nila," sagot ko.
Marahang tumango si Sheeny pagkatapos ay binalingan si Craziel na nasa tabi ni Jack at nakawahak sa kamay nito. Simula noong lumabas kami ng photo booth ay hindi na talaga siya humiwalay sa Daddy niya.
I smiled bitterly. How selfish of me to feel insecure and jealous. I shouldn't be... And I'm trying hard not to...
"Good luck mamaya, Craziel," ani Sheeny.
"Thank you, Ate Sheeny," my niece smiled sweetly.
Tahimik ko lamang siyang pinapanood habang ramdam ko naman na may matang nakatutok din sa akin. Hindi ko inalis ang determinado kong mata sa aking pamangkin na nag-angat ng tingin kay Jack.
"Daddy...Daddy...I want to buy snacks," malambing na tugon ng aking pamangkin. Pinag-cross pa nito ang dalawang palad na nakakapit parin sa kamay ni Jack.
Hindi ko man lang siya tiningnan kahit noong nagsalita na siya. "Aren't their foods dirty, baby girl?" he equalled the gentleness of my niece's voice.
Sekretong napakagat labi nalang ako. Damn! Kahit parang ramdam ko iyong panunuot ng sakit sa dibdib ko ay hindi ko namang maitanggi na masaya ako para sa pinakamamahal na pamangkin ko. Kahit papaano, nabawasan iyong bigat na dinadala ng kalooban ko. At least, I became honest with Craziel. Kahit hindi niya naman naproseso ng mabuti at maayos ang mga sinabi namin sa kanya because she's too young to understand complicated truths, but at least there was no lies to hide.
Wala na akong katatakutan kapag lumaki na si Craziel at magtanong nang magtanong tungkol sa pagkatao niya. Kasi sa murang edad, kahit sa tingin ko'y mababaw lamang ang pagkaintindi niya, at least, katotohanan ang naiintindihan niya.
"May sandwich akong binalot dito, baby C..." simula ni Sheeny na inilingan lamang ni Craziel.
She pouted her cute pinky lips. "I want Daddy to buy me some food!" she insists.
Doon lamang ako nag-angat ng tingin kay Jack. Tiningnan ko ang ekspresyon ng kanyang mukha. I am surprised to see that he's not angry...or being hot-headed right now. O kung iritado na siya sa kakulitan ng anak... ng anak niya ay hindi niya ipinapakita.
Lumuhod si Jack sa harapan ni Craziel. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang braso nito. "Of course I'll buy everything you want...but not here, I think it's not safe..." he said gently to his child.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
عاطفيةAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)