Kabanata Cincuenta y cuatro

185 12 2
                                    


54th Fall

Favorite Place

Jack's I love you keep on playing on my mind. It was like a never-ending music that I'll never stop hearing about. Dahil sa tatlong salitang sinabi niya sa akin, bigla na lamang naglaho ang mga pangamba sa aking puso. Para na rin niyang sinagot ang libo-libong katanungang matagal ng namumutawi sa isipan ko. With his I love you, all the doubts, uncertainties and heartaches simply faded with just a puff of a smoke. Ganoon ganoon lang.

His declaration of love reborn everything in me. Akala ko dati, magiging ayos lang kahit walang salita basta nararamdaman ko at nakikita ko sa mga kilos niyang may nararamdaman rin siya sa akin. Akala ko noon, kahit hanggang kilos lang sapat na. Iba pa rin pala ang kapangyarihan ng salita. Dahil sa sinabi niya, naging kampante ang damdamin ko. I was like, finally! I think I had my dream come true.

Hindi mapawi ang aking ngiti habang naglalakad sa pasilyo patungong klase nina Phia. Huwebes ngayon at apat na araw na ang lumipas noong nagsimula ang pasukan. Susunduin ko siya dahil palagi kaming sasabay na uuwi. Parang dati lang. Noong nasa elementarya pa lamang kami. Nagbago lamang iyon simula noong may nangyari kay Aziel at napilitan naming mangibang bansa.

Ala-singko impunto at saktong sakto ang aking pagdating dahil naabutan kong papalabas na rin si Phia ng kanilang classroom habang kausap niya ang kanyang mga kaklase. May napapansin akong konting napapatingin sa akin dahil iba ang logo naming STEM students sa kanilang mga ABM. May iba naman na nasanay na siguro sa presensiya ko rito at hindi na nakiki-tsismis.

Nagulat ako ng may isang araw noon na tinanong ako kung ano daw ang meron sa amin ng kanilang prinsipe Jack. Hindi ako umimik dahil maging ako man ay hindi alam kung ano ang isasagot. If there's something going on between us, I am sure it is not a secret. Lalong lalo na kung kada galaw lamang ni Jack ay may matang nakaantabay at nakasunod.

Inayos ko ang pagkakasabit ng aking shoulder bag pagkatapos ay tumingin kay Phia na ngayo'y napasulyap na sa akin. Hinarap niya muli ang kausap na mga kaklase.

"Oh, sige, guys! Sa group chat nalang natin idiscuss iyong ibang details ng activity para bukas, ah?"

"Sure, sure!"

"Nice! Bye!" I watched her waved goodbye to her classmates.

Pagkatapos ng madaliang pag-uusap ay bumaling na sa akin si Phia at lumapit. Binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin.

"Tara?" sabay ngisi at iling niya.

Ngumuso ako at hindi na nagsalita pa. Sabay kaming bumaba ng kanilang fifth storey building. Their room is in the third floor so it's not that tiring to go up and down. Hassle lang kung magpapabalik-balik ng higit sa unang beses.

Nang marating namin ang Science Technology Engineering and Mathematics Building for Grade 12 ay dumeretso kami ng pangalawang palapag. Nasa pangalawang room ang classroom nila Jack. Bawat palapag kasi ay binubuo ng tatlong classroom.

I heard my bestfriend's chuckle at my back. Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Uh, sisilip lang naman ako bago umuwi...

Habang naglalakad ay pansin ko ang pagtingin ng mga estudyante ng unang classroom sa akin. Paanong hindi sila mapapatingin kung ang uniporme ko ay nagsusumigaw na isa lamang akong dayo sa building na 'to? What is this grade eleven senior high school girl's doing in this grade twelve building?

Ngunit nagkunwari na lamang akong walang napapansin. Hindi pa sila nasanay? Pang-apat na beses ko na 'tong ginagawa, ah.

Malapit na ako sa pintuan ng kanilang classroom nang mapansin kong hindi sumusunod sa akin si Phia. Nilingon ko siya at naabutang nakahalukipkip lamang na pinapanood ako.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon