Kabanata Sesenta y nueve (ii)

163 7 0
                                        

69th Fall
(Part two)

Huling Habilin

Pagkarating namin ng bahay ay naroon na sa aming engrandeng mesa si Mommy at naghihintay. Nasa pinakapunong upuan si Daddy habang si Mommy ay nasa kanyang kaliwang bahagi. Kaharap ni Mommy si Craziel at Sheeny. The foods were served but no one's eating yet. Lahat sila'y nag angat ng tingin nang makita ang pagdating namin.

Ramdam ko ang tensyon ni Jack sa aking tabi nang pumasok kami pero kita kong inayos niya ang kanyang tindig at matapang na sumabay sa aking pagpasok.

Saglit ko siyang iniwan at dumeretso kay Mommy at Daddy para bigyan sila ng halik sa pisngi. I smiled sweetly at my nephew when she looked at me.

Muli akong bumalik sa tabi ni Jack para alalayan siya. I want to hold his hand to assure him everything will turn out well but stopped myself to do so for I know better.

"Good evening, Ma'am... Sir..." Jack slightly lowered his head for a courtesy.

"Good evening, Jack," Dad smiled warmly then stood to shake Jack's hands. I almost got teary eyes at the gesture.

Mom slightly smiled. "Thank you for responding with my invitation. Sit, you two," she simply said.

Umikot kami at umupo ako sa tabi ni Sheeny. Habang si Jack ay sa aking tabi umupo.

May kung anong tensyon na nakabara sa hangin at sa buong room na ito. The ice was only broken when Mom spoke in her authoritative way, "Come on, let's eat first. It's not good to keep the food waiting."

At doon lang siguro ako nakahinga ng maluwag. Ngayon ko lang napagtanto na kanina ko pa pinipigilan ang aking paghinga. Ngunit pakiramdam ko'y hindi noon nabawasan ang pagiging tensyonado ni Jack. Na kahit iyong pagkuha niya ng kanyang kutsara't tinidor ay sobra sobra ang kanyang pag-iingat na hindi makagawa ng kahit anong tunog.

Inunahan ko siya sa pagkuha ng serving plate para sa kanin. Leaving my own plate blank ay inilapit ko sa kanyang plato iyong kanin para mabigyan siya.

"I can manage, Dressa..." he slowly said. Kinuha niya iyong plato ng kanin na hawak ko at siya na ang naglagay noon sa sarili niyang plato.

Napanguso ako atsaka hinayaan na lamang siya. Hinanap ng mata ko ang bowl ng sinigang na baboy atsaka iyon na lang ang kinuha.

"Gusto mo nitong sabaw? O gulay?" tanong ko at tinuro iyong ginisang ampalaya na may itlog na tabi lang ng bowl na kinuha ko.

Jack stared at me deeply. Kung hindi ako nagkakamali'y may kung ano akong nakita sa kanyang mata. His ears are also red!

Tumikhim si Jack at muling inagaw ang bowl sa aking kamay. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko pinaunlakan ang kanyang gusto. He eyed me.

"Come on. Hayaan mo ako. I want to serve you."

Mula sa akin ay lumipat ang mata ni Jack sa aming harapan. Nang tumama sa akin ang realisasyon ay doon lang ako tinablan ng hiya. Dahan dahan kong nilingon si Mommy...hindi siya nakitingin ngunit ang bawat pagkain niya ay medyo may diin. Si Daddy naman ay nakangiti lang ng kaonti habang umiinom ng tubig. Muli kong binalik ang tingin sa hawak hawak na bowl at hindi na tiningnan si Sheeny at Craziel na katabi ko lamang. Napalunok ako. Ugh.

"Ampalaya will do," pagbasag ni Jack sa katahimikan. I tasted an edge of humor on his voice. Sinulyapan ko siya pero seryoso na ang kanyang mukha habang inaabot ang lalagyan ng ginisang ampalaya.

Nanghihina kong binalik sa mesa ang bowl ng karneng tinola. Ni isa man sa gesture ko ay walang tinanggap si Jack. I don't know but I felt so low. Hindi ba tama ang ginawa ko? Kahit nandito ang mga magulang ko, wala namang mali sa ginawa ko! I'm serving him because he's a guest! But not just because he is for I want to serve him, too.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon