Dedicated to cute_magical_love Hi, beh! Ikaw na 'to? 'Di lang ako sure. Haha! Para sa'yo 'tong chap na 'to. :) xoxo
69th Fall
(Part One)
Dinner
I fulfilled my promise with Craziel that we'll go to Palawan. But I've failed to bring with us her one request.
We arrived at a five star resort in Palawan at exactly 11:30 AM. The same resort na pinuntahan namin dati. Pagkatapos naming magbook ng room ay natulog lamang kami ni Craziel dahil napagod kami sa byahe.
Nauna akong nagising ng mga ala una ng hapon at ramdam ko na ang pagkalam ng aking sikmura. Marahan kong tinapik ang balikat ng pamangkin kong mahimbing na natutulog.
"D-Daddy..." she spoke in her sleep.
"Baby, wake up," I said in a most gentle tone I could master.
Nanunuot na naman ang dibdib ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin nasasabi kay Craziel ang katotohanan. Ayaw ko siyang biglain kaya naghahanap ako ng tamang tiyempo kung kelan ko sasabihin sa kanya na hindi si Jack ang ama niya. I'm afraid of her reaction once she learned about it.
Matapos naming bumaba para mag-lunch ay umakyat din kami pabalik ng room. Dahil tirik pa ang araw para mamasyal sa dalampasigan ay doon lang muna kami sa veranda nagpahangin.
I'm sitting at a designed white stainless chair while my nephew is standing on my lap, facing the panoramic view of the shore. Natatago ang islang ito ng iba pang isla. At iyong dagat ay sobrang kaylinaw. Ang buhangin ay singputi ng perlas at kapag tapakan mo'y hindi masakit sa talampakan. This kind of view has always been my stress reliever and medicine. Hindi nakakasawang panoorin. Kaunti lang din ang mga taong naroon, mostly ay nasa kanilang mga sun lounger dahil sa init ng araw.
"Tita, where's Yxx?" tukoy ni Craziel sa aking DSLR camera.
Hinarap niya ako habang ang likod ay nakasandal sa barandilya ng veranda. Hinigpitan ko ang hawak sa kanyang beywang dahil sa likot ng batang ito ay mahulog.
"It's in my bag, baby,"
Craziel pouted. "Go, get it, Tita. Please!"
I sighed because of her too much cuteness. Kinarga ko muna si Craziel pagkatapos ay binaba sa tiled floor.
"Stay there. Huwag kang aakyat baka ka mahulog." bilin ko saka umalis ng siya'y tumango.
Nasa ibabaw ng bedside table ang aking bag. Kinuha ko ito at hinanap doon ang aking camera. Two DSLRs are there, pati iyong kay Aziel ay dinala ko na rin. Kasi hindi ko pa rin natatapos panoorin ang videong inihabilin niya sa akin.
Nang bumalik ako sa veranda dala dala ang aking camera ay pumalakpak si Craziel. "Yay! Let's take a picture, Tita!" masigla niyang sinabi.
This is a déjà vu. Ganito rin ang mga pangyayari noong kinuha ko ang pinakapaborito kong litrato sa buong mundo.
"Sure," nakangiti kong tugon sa pamangkin kong nagagalak na naghihintay.
We took a lot of pictures with different crazy poses. Mostly ay ako ang kumukuha sa kanya ng pictures.
"Time out muna, Tita!" tumatawang sabi ni Craziel nang magsawa na siya sa kakapose ng kung ano ano.
I laughed along with her. "Okay. Just tell me when you'll be ready again, Ms. Model," I teased.
"Can I see the pictures, Tita?"
Ibinigay ko sa kanya ang camera at hinayaan siyang tingnan ang kanyang mga litrato. Habang ako ay nilibang nalang ang mga mata sa mga taong naglalakad paroon parito sa dalampasigan. I have a full view of them, and I'm enjoying it.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)