Kabanata Cincuenta y tres

186 10 2
                                    


53th Fall

Whispers

Naging mabilis ang takbo ng araw para sa akin. Nakarating at nakaalis na rin si Ate Zammi. Gaya ng kanyang sinabi ay nanatili siya sa Pilipinas ng mga isang linggo. Puro halos nasa labas sila nina Mommy at abala sa pag-aayos ng kaso ni Aziel. Limitado lang ang alam ko tungkol sa transaksyong ginagawa nila. Hindi na rin ako sumubok pang magtanong muli kay Mommy. Ayaw kong magalit na naman siya sa akin ngayo'ng medyo maayos ayos na ang trato niya sa akin. She's back to normal treatment again.

Nasabi na rin ni Phia sa akin na nakahanap na raw siya ng magiging Yaya ni Craziel.

"Talaga? Sino?"

Mabuti kung meron na para hindi na ako mahirapang maghanap pa. Siyempre, sinabi ko kay Phia ang mga qualifications ng magiging Yaya kung sakali. Alam na niya iyon.

"Guess who?" aniya sa kabilang linya.

Napairap ako. "Nagtatanong nga ako kasi hindi ko alam,"

"'To naman! Pinapahula ka nga, e!"

"Wala ako sa mood," pambabasag ko sa kanya.

"Alam mo, bess? Ang sungit mo ngayon. Namimiss mo na naman ba ang Jacksungit mo?"

Isa pa iyon, e. Halos buong linggo sigurong hindi nagparamdam sa akin. Puro lang siya text! Kapag inaaya kong magkita kami palaging sinasabi na may importante siyang gagawin! Siguruhin niya lang talagang hindi iyan si Yvonne o kung sino mang babae niya.

"Huwag mo nga siyang banggitin, naiinis lang ako." sinikap kong hindi mapanguso.

Isinasantabi ko rin ang pangungulila ko sa kanya. I trust Jack. Kung sinabi niyang may importante siyang gagawin, alam kong meron. Why would he even lie to me?

There are a lot of reasons he would lie to you. My subconscious is telling me but my faith on Jack is much stronger.

Hindi ko lang talaga maiwasan na hindi mainis. Normal lang naman siguro itong nararamdaman ko 'diba? Kahit hindi niya naman ako girlfriend, may karapatan din naman ako.

"Oh, okay. I'm sorry," ani Phia sa kabilang linya "By the way, the Yaya who applied is Sheeny Reyes,"

Nagulat ako. "Talaga?"

"Yeah. Bakit? Hindi ba siya pasok?"

Kaagad akong umiling kahit hindi naman ako nakikita ni Phia. "No. Of course, she's in,"

Naalala ko ang mga panahon na pinagselosan ko siya dahil kay Jack without knowing na girlfriend pala siya ni Kuya Xillas. God, nakakahiya!

Tatlong araw bago ang pasukan ay napagpasyahan naming pumunta ng Westmall para bumili ng mga school materials. Kasama namin ni Craziel si Phia at Sheeny. Natutuwa akong kaagad na nagustuhan ni Craziel si Sheeny, unang araw palang na ipinakilala ko siya rito. Siyempre, sino ba namang hindi magkakagusto sa mala-anghel niyang mukha? Para siyang pinggan na babasagin, sobrang bait at ang ganda.

"I'm so excited! I'm so excited!" humagikhik si Craziel habang nakahawak sa kamay ko at ang kaliwa naman ay kay Sheeny. Papasok na kami ng Westmall.

Different people flocked inside the mall. Paroon at parito ang mga tao. Hindi ko rin maiwasang maexcite.

"Ang daming tao. Pwede tayong mag-hiwalay sa pagbili para hindi tayo maabutan ng siyamsiyam." si Phia nang nasa ikalawang palapag na kami ng mall. Hinarap niya si Sheeny na ngayo'y karga karga si Craziel.

"Shen, pwedeng ikaw nalang muna ang mamili ng mga gamit ni Craziel tapos kami nalang ang para sa'yo at amin," si Phia.

Ngumiti si Sheeny sa amin. "Kahit iyong inyo nalang muna. Ako na ang bibili ng akin, nakakahiya."

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon