41th Fall
Impossible
"Guarry...why did..." Hindi ako makapagsalita nang maayos dahil sa nakikita ko. Kinumot kumot ko iyong tela sa aking kamay. God, ang lambot!
Humilig siya sa railings ng veranda. Ang kanyang makintab na buhok ay nahihipan ng hangin. Mula dito sa kinatatayuan ay kitang kita ko ang tangos ng kanyang ilong. At nakakaakit ang pagkurba ng kanyang pilik-mata.
"Binili ko iyan dahil kitang kita ko sa mga mata mo kahapon kung gaano mo iyan kagusto..." Tumingin siya sa akin at ngumiti. Andyan na naman ang charming smile niya.
Sinulyapan ko ang Spanish dress na ibinigay niya sa akin. Iyong mga gintong nakapalibot sa leeg ng damit ay kumikislap kislap dahil sa sinag ng araw. Ayaw ko pa sanang tanggapin ito ngunit mapilit siya. Regalo daw niya ito sa akin at para remembrance na rin. Ito pala ang laman ng supot na dala-dala niya kahapon.
Nag-angat ako ng tingin at naabutang nakatingin din sa akin si Guarry. "Thank you dito," I smiled.
Ngumiti rin siya sa akin. Mayamaya ay tumingala siya. "Damn. What I'd give to see you smile that way again to me..." mahinang sabi niya ngunit tama lang para marinig ko.
Bahagyang napawi ang ngiti ko. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang kabutihang ipinapakita ni Guarry sa akin. I felt like I'm taking advantage of him...
"Turn around, preciosa..."
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
Hinawakan niya ang aking balikat at inikot ako papatalikod sa kanya.
"Anong gagawin mo?" nagtatakang tanong ko.
Hindi siya sumagot. Hinawi niya ang aking buhok sa kabilang banda. At sunod ko nalang nalaman ay may malamig ng bagay na dumampi sa aking leeg. Kinapa ng kamay ko kung ano ito. It was a necklace...with the Edificios Grassy pendant...
"Come on, Al... Let me see..." malambing na sinabi ni Guarry.
Umikot ako papaharap sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa aking leeg. He stares at the necklace and smile sweetly later on...
"It's so beautiful on you..." ani Guarry.
Nanatili ang mga mata ko sa kanyang ngiti. He's so happy...Guarry is so happy...
I think, I couldn't afford to see those lips twitch in pain or sadness...Binuklat ko ang aking palad sa harap niya. "Nasaan ang isa?" sabi ko.
Halatang nagulat si Guarry sa itinanong ko. Napatitig pa siya sa akin. Umiling siya pagkatapos at may kinuha sa bulsa ng kanyang pantalon.
Kumislap iyong kwentas na nakapatong sa kanyang kamay. Kinuha ko ito. Mas malaki iyong pendant niya kasi Metropolis iyon.
"Tumalikod ka, Guarry..." sabi ko.
Sinunod niya naman ang sinabi ko. Tumingkayad ako para lamang maisuot sa kanyang ang kwentas. Masyado siyang mataas, e. Matapos kong ikabit iyong lock ay tinapik ko si Guarry sa balikat para paharapin.
I smiled when I saw him wore the necklace. I showed him my thumbs up. "Bagay." nakangising sabi ko.
Ginulo niya ang buhok ko nang nakangiti. "One wish nalang..."
Hindi ko nagets ang sinabi niya. Nakita niya ang pagkunot ng aking noo. He gave me another smile.
"Magbihis ka, preciosa. Suotin mo ang damit na ibinigay ko sa'yo. Susunduin kita after..." Sinulyapan niya ang kanyang relo. "thirty minutes..." aniya bago tumalikod at naglakad papaalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/60789316-288-k170014.jpg)
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
Roman d'amourAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...