6th FallTsk
Hanggang sa makarating kami ng SLU ay hindi na nagsalitang muli si Jack. Napipi na siguro ng tuluyan. Tsk. Nakakapanis siya ng laway kasama.
Nang mai park na niya nang mabuti iyong kotse ay lumabas na siya. Ni hindi man lang ako binuksan ng pinto! Jusko, Alma. Magiging triangle muna ang mundo, at magliliparan ang mga isda sa langit bago maging gentleman ang masungit na iyon!
Nagmamadali akong lumabas ng kanyang kotse. Awtomatik kong nilibot ang tingin sa kabuuan ng school na 'to. Oh, well...
Malaki nga ang school na 'to. Hindi siya iyong typical public school lang. It was almost like a private school. Siguro sa pagtatantya ko, mga one third ito ng eskwelahan na pinasukan ko sa Cali.
"Hey, careless! Make it fast! I have a class!" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Muntik pa akong mapanganga nang makita si Jack sa mismong malaking gate ng school. Akala ko umalis na siya?
Tumakbo ako at lumapit sa kanya. Sa itaas namin ay ang mga malalaking batong letra sa isang kulay silver green.
ST. LESEGUIS UNIVERSITY
"Ang bagal mong kumilos." Masungit na sabi ni Jack sakin nang makalapit ako. Nasa kanyang kamay pa ang susi ng Mitsubishi niya at pinaglalaruan.
"Sorry naman. Kaya nga ako pumunta dito para i tour." Humalukipkip ako at umirap.
Narinig ko siyang suminghap. "You think I'll tour you? Ano ka siniswerte?"
Tiningnan ko siya pero nauna na siyang tumalikod sakin at naglakad papasok. How grace the way he walks...Ayy, bwisit! Bakit ko pa iyon pinapansin? Tse! Bahala siyang nagmemenopause! Kainis!
Sumunod na ako sa kanyang likuran. Iginala ko ang paningin sa loob ng school. Ang lawak! Naeexcite na tuloy akong pumasok!
Habang nawiwili ako sa pagtingin sa rebolto ni Jose Rizal sa pinaka gitna ng front porch ay may biglang tumawag ng pangalan ko.
"Aldressa Maia!" Nakita kong naghihikayos na tumatakbo papalapit sakin si Delphianny.
Kumunot ang noo ko. "Anong trip mo at buong pangalan ko pa talaga isinigaw mo?" Sabi ko habang iginagala ang paningin sa paligid. Shems. Positive. Ang dami na tuloy nakatingin samin! Iyong iba makakatitig wagas. Parang sinusuri akong mabuti.
"Gosh! Siya 'yung nakita kong kasabay na lumabas sa kotse ni Prince Jack!" Rinig ko pang sabi ng isa.
Kumunot pa lalo ang kilay ko. Habang si Phia ay sinundan kung sino man ang nagsabi ng boses na iyon.
Prince Jack? Ano 'to? May royalty something? Prince ang bugnutin na 'yun? Prince? Ghaaad. Can't believe it!
"Prince?"
"What?" I heard Phia snapped. Tiningnan ko siya. Weirdo niya akong tiningnan.
Hindi ko namalayang napalakas na pala ang pagkakasabi ko. Nagsimula na akong maglakad pilit na hindi pinapansin ang mga titig ng mga tao dito. Weird!
Sumunod naman si Phia sakin. "Prince ang tawag sa sungit na iyon dito?" Hindi makapaniwala kong sabi.
Sa sobrang sungit. Sa sobrang snob. Sa sobrang boring, may nagkakagusto doon?
Well, sabagay, he has the looks. I can't deny it. But looks can be an equality of material things. Kung magkakagusto o mafafall ka lang naman dahil sa kagwapuhan o kagandahan ng isang tao, hindi yan matatawag na pagmamahal. Nasaan ang love doon? Nasa mukha?
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
Roman d'amourAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...