Kabanata Cuarenta y cinco

192 7 0
                                    


45th Fall

Honey

Narinig ko ang paghalakhak ni Xinna sa aking tabi. Inalis ko ang tingin sa lobby ng hotel kung saan pumasok si Jack. Ni hindi na siya lumingon pabalik sa amin. Habang nakatalikod ay kita ko ang pagka-tense ng kanyang mga balikat at bigat ng kanyang mga hakbang papalayo. Upset, huh?

Nakakunot ang noo ko nang ituon ang pansin kay Xinna.

"Let's go inside, Alma," he's still chuckling. Hindi ko naman alam kung anong nakakatawa.

Bago kami tumalikod ay nagawa ko pang tingnan kung naroon pa ang kotse ni Guarry ngunit wala na ito doon.

"Tara..." sabi ko at pilit na iwinawaglit sa isipan ang malutong na mura ni Jack kanina at ang galit niyang mukha.

Pinindot ni Xinna ang elevator. Sa unti-unting pagbukas nito ay tumambad sa paningin ko ang nakasandal na Jack sa aluminum na dingding ng elevator. Napatigil ako dahil sa dilim ng mga tingin niya sa akin. Naging abnormal na naman ang tibok ng puso ko.

Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi nang may tumunog na cellphone. Kay Xinna.

"Excuse me, guys. Mauna na kayo, sasagutin ko lang itong tawag," at bago ko pa man mapigilan si Xinna ay umalis na siya papalabas ng hotel.

Napamura nalang ako sa aking isipan. Great. This is damn great. Hindi nalang kaya ako pumasok?

"Ano pang hinihintay mo diyan? Do you want me to drag you inside?" malamig ang kanyang boses. Bakit mukha rin siyang galit? Anong ikinagagalit niya?

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit pumasok na rin ako. Wala na akong choice, letse.

Pilit kong pinapakalma ang naghaharumentado kong sistema. Hindi ko alam kung bakit ako naiinitimidate sa lalaking 'to. Nakakatakot lang ang kanyang awra ngayon.

Awkward silence filled the air. Hinintay ko siyang pindutin ang floor number dahil siya naman ang may alam ngunit hindi niya ginawa.

Ano na namang drama ng lalaking ito?

Humugot ako nang malalim na hininga para lang mabawasan ang inis na nararamdaman ko.

"Anong floor number?" pakalmang tanong ko.

Nakakainis dahil nakasandal lamang siya at nakapamulsa! Anong trip nito sa buhay? Ang tumambay sa loob ng elevator?!

Nadagdagan ang inis ko nang hindi man lang niya ako sinagot. The eff! What game is he playing?

"Jack, anong floor number ang room niyo?" ngayon ay may diin ko ng tanong.

Dumilat siya at ginawaran ako ng malamig na tingin. Halata pa rin sa mukha niya ang mga pasa pasa na nakuha niya galing sa mga suntok ni Guarry. Pero hindi noon nabawasan ang kagwapuhan ng leche.

"What's going on between you and that bastard? Kayo na ba? Ha?"

Napaawang ang bibig ko dahil sa itinanong niya. I am not expecting of this kind of comeback, all right. Kumurap kurap pa ako sa kanyang harap.

"Tss. Kung hindi lang ako nakapagpigil kanina napatay ko na ang tanginang iyon."

Matalim ko siyang tiningnan. "Huwag mong tatawaging ganoon si Guarry sa harap ko." pagalit kong sinabi.

Bigla nalang niya akong kinulong sa mga braso niya dahilan kung bakit ako napasandal sa dingding!

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Ni hindi ko na siya naitulak dahil sa pagkabigla ko.

Sa sobrang lapit niya sa akin ay naduduling na ako. Even my knees gone jelly because of this tiny distance between me and Jacksonn.

"Pinagseselos mo ba ako, Veñez?" he asked in a dangerous way.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon