Kabanata Once

216 7 4
                                        

11th Fall

Maybe

"Phia, sabihin mo nga, may something ba sa inyo ni Kai?" Derederetso kong tanong sa kaibigan ko sa phone isang umaga. Nasa sala ako at nagbubuklat buklat lang ng mga albums. Si Craziel naman ay nasa labas at nililibang ni Yaya Monay.

Nakahiga ako sa mahabang sofa. Narinig ko ang pag singhap ni Phia sa kabilang linya. "Jusko Alma, ha! Saang galaxy mo 'yan nakuha?" Naiimagine ko nang umiirap ang bruhang ito ngayon.

"Weh? Pansin ko, e. Noong nasa Palawan tayo..." I trailed off.

Isang linggo na pala ang nakalilipas pagkatapos noong punta namin sa Palawan. At sa tuwing naalala ko ang sinabi sakin ni Phia ay halos gusto ko nalang hindi magpakita sa sungit na iyon.

"Aray... bakit ang sakit ng ulo ko?" Nakasapo ang palad ko sa aking noo habang tumatayo sa pagkakahiga. Sinubukan kong buksan ang mga mata pero mas lalo lang ata nadagdagan ang sakit ng ulo ko! Argh!

"Ayan kasi...iinom inom." Pinilit ko na talagang buksan ang mata nang marinig ang boses ni Phia.

Bumulaga sa paningin ko ang nakapameywang niyang imahe. Malabo pa sa una pero unti unti ring luminaw ang paningin ko.

Naka white pants siya at pink na hello kitty shirt. Doon ko lang naalala na nandito nga pala ang isang 'to. At doon lang pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi.

Tiningnan ko si Phia. Nagulat nalang ako nang sa likod niya ay lumabas si Craziel. "Bulaga!" Aniya at humahikhik pa.

Kahit parang binibiyak ang ulo ko sa sakit ay napangiti ako. "Good morning, baby!" I widely open my arms and Craziel ran towards me. She received my hug.

"Good morning, tita!" Ginulo ko ang kanyang buhok.

"Saan ka galing?" Tanong ko naman.

Napaangat ako ng tingin nang marinig kong tumikhim si Phia. Lumapit siya samin at umupo sa kama. "Actually, pumunta ako dito kanina. Tapos naabutan kong gising na si Craziel. I wanna wake you up too but you're so deep asleep kaya si Craziel nalang sinama ko sa breakfast..." Ani Phia.

Dahil sa sinabi niya ay awtomatikong hinanap ko ang wallclock. It says ten forty five.

Nanlaki ang mga mata ko. WHAT? Mag aalas onse na?!

Narinig kong tumawa si Phia. "Ganyan kasi..."

Kumunot ang noo ko. "Phia, ano bang nangyari kagabi? Bakit masakit ang ulo ko?" Tanong ko noong nasa veranda na kami at nagpapahangin. Craziel is inside playing her stuff toys.

She’s using her telescope at mukhang nagbo boy hunting ang bruha. Panay ang hagikhik niya habang nakatutok ang mata sa mga topless na lalaking nandoon sa dalampasigan, ang iba’y naliligo. We got the best view here.

Tinanggal niya ang telescope at tumingin sakin. "You're drunk last night," simple niyang sagot sa tanong ko.

My eyebrow furrowed. "Drunk? How come?" E, hindi nga ako umiinom! Paano ako malalasing?

Hinilot ko ang sintido sa pagnanais na alalahanin ang mga nangyari kagabi. Pero hanggang sa pakikipag shake hands lang kay Jacksungit ang maalala ko! Napatigil ako sandali nang maalala iyon.

"Hays. Sino ba naman kasing tanga ang iinom ng baso na hindi naman kanya? Kay Xinna 'yun. And the content of that glass was hard drink!" Paliwanag ni Phia sakin.

Napatitig ako sa kanya, hindi makapaniwala. "I thought it was mine!" Sabi ko. Akala ko naman kasi akin 'yun! Kaya pala ang anghang sa lalamunan!

Ngumisi ang kaibigan ko. "Ayan kasi nang aangkin ng hindi kanya..." Napairap ako. Huhugot na naman ang isang 'to, e!

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon