Kabanata Treinta y cuatro

207 9 3
                                        


34th Fall

Wrong Assumptions

Ang dilim ng langit. Singdilim ng mundo ko ngayon. Ang hirap iproseso sa utak ko ang narinig.

We're engaged. If that's answer your damn question.

Paulit ulit lang ang pag ikot noon sa aking utak pero parang hindi ko marehistro ng maayos. Parang hindi ko maintindihan. Nang hang ata ang utak ko.

"Excuse us!" naiiritang boses ni Phia habang hinihila ako sa hindi ko alam kung saan.

Para akong lumulutang. Wala akong maramdaman. Tulala.

"Bessy..."

May tumatawag sa akin pero hindi ko magawang sumagot.

"Alma..."

I think this is the worst feeling ever. When you feel nothing at all. Iyong daig mo pa ang patay at kahit anong pilit mong makaramdam hindi mo magawa.

"Alma! Umayos ka nga. Huy. Para kang tralala dyan." May kumukublit sa aking braso. Paglingon ko ay doon ko lang nakita ang nagaalalang mukha ni Phia. Iyong mga mata niya ay parang natatakot.

Doon lamang ako nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Libo libong karayom ang sabay sabay na tumutusok sa puso ko. Shit! Bakit ang sakit sakit?

"Engaged na siya? Phia, engaged na si Jacksungit?" My voice is hoarse. I can't even recognized if it's really mine anymore.

"Bessy..."

"Narinig mo ba ang sinabi niya? Tama ba ang narinig ko, o nagkakamali lang ako?" Baka naman nagkakamali lang ako! Baka si Warren ang nagsalita doon at hindi si Jack. Bakit ako nag oover react?

Humakbang ako papaalis. Kasabay noon ay ang pagkulog ng malakas. Sigawan ang namayani sa lugar.

"Alma! Saan ka pupunta? Uulan!" Hinabol ako ni Phia at hinawakan sa palapulsuhan. Binawi ko iyon saktong bumuhos ang malakas na patak na ulan. Hindi ko naisip ang isilong ang sarili bagkus kaagad kong niyakap ang bag ko kung nasaan ang sulat na ginawa ko para kay Jacksungit.

"Hahanapin ko si Jack, Phia. Huwag mo na akong samahan, sumilong ka na doon!" Tinuro ko iyong sinilungan namin kaninang booth. Hindi man lang nagpatinag sa Phia. Nanatili siyang nakatingin sa akin habang basang basa na. Ganoon na rin siguro ako. Pero kampante akong hindi mababasa ang laman ng aking bag. Water proof iyon.

"Nababaliw ka na ba Alma? Hahanapin mo siya? Hindi mo ba narinig ang sinabi niya kanina? He's engaged!" sumisigaw na si Phia.

"No. He's not! I mean, baka hindi! Baka nagkamali lang tayo ng dinig-" Pero parang unti unti ng nawawasak ang puso ko. Tuluyan na akong naiyak pero hindi iyon napansin ni Phia. Kasi nagtatago ang mga ito sa agos ng ulan.

"Are you dumb? Alma, I heard him right! Alam kong narinig mo rin siyang sinabi iyon. Stop hurting yourself too much. Hindi ka niya deserved! Hindi ka niya dapat sinasaktan ng ganyan!" Tinuro niya ako.

"Phia-"

"Stop being a masochist! Stop being a master of pain! Stop being a queen of martyr! You're still a human, Alma! Nasasaktan ka na!"

Mas lalo lamang lumalakas ang ulan. Kahit umiiyak na ako ay nagawa ko pang matawa.

"Nagpapakamartyr lang tayo
sa taong sobra nating mahal, Phi..." sinabi ko.

Unti unting nanunuot ang lamig sa aking balat. Mahapdi ang bawat malaking patak ng ulan sa balat ko. Ngunit walang wala iyon sa hapding nararamdaman ko sa aking dibdib ngayon. Katulad siya ng preskong sugat na binudburan ng alkohol at asin nang sabay. Ganoon kasakit at kahapdi. Hindi ko lang alam kung paano ko nakakayanan ang sakit na ito ngayon. Siguro ay dahil kahit konti, kahit konti lang, umaasa ako na sana hindi totoo ang mga narinig ko kanina. Sana ay nabingi lang ako. O di kaya sana ay nananaginip lang ako ngayon. Gusto ko nalang magising. Ayoko ng panaginip na ito. Ayoko...

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon