68th Fall
Hold On
"Alma!"
Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili bago nilingon si Phia na nagmamadaling lumapit sa amin. Saglit siyang tumigil nang makita kami ni Jack sa ganoong diskurso at nahalata niya sigurong may hindi magandang nangyari. Umatras ako ng bahagya at hindi na muling tiningnan si Jack na hindi parin kumikilos sa kung nasaan siya.
"Ano iyon, Phi?" pilit kong inayos ang boses na parang walang nangyari. Ngunit ngayon ko lang nadama ang muling pagpait ng lalamunan ko dahil sa nainom na alak.
Nag-aalangan si Phia kung magsasalita ba siya o ano. Ngunit tiningnan ko siya ng nagsasabing ituloy kung ano ang gusto niyang sabihin. Bahagya niyang ibinuka ang bibig at tiningnan si Jack na ngayo'y seryoso parin. Hindi ko siya tiningnan.
"Tito Hakob called," she started.
Naging alerto ako. Kita kong napatingin din si Jack kay Phia.
"Ano'ng sabi?" I urged. Mukhang nag-aalangan si Phia kung itutuloy niya ba ang sasabihin. I am becoming impatient as time ticked by. "Ano'ng sinabi ni Daddy, Phia?" ulit ko.
"Tito want you to go home now. Hinahanap ka daw ng Mommy mo."
Wala rito ang aking cellphone at naiwanan ko doon sa aming mesa. Dad must have been called me many times.
"I'll go with you," biglang singit ni Jack na nagpagulat sa akin. Nakalimutan kong naiinis pala ako sa kanya.
I composed myself and became serious. "Hindi na." sabi ko.
Hindi ako sinagot ni Jack. Binalingan niya si Phia na nakakunot ang noong nakatingin sa aming dalawa.
"Can you get her things, Delphia?"
"Magpapasundo nalang ako kay Manong Lito, Jack." pilit ko nang nasa tapat na kami ng kanyang kotse.
Siya na ang nagpaalam sa mga kano kong kaibigan at kay Phia. Sinabing mauuna na kaming uuwi. Wala pa daw balak umuwi ng mga iyon kaya hinayaan na kami.
Umikot si Jack sa amba ng pintuan ng passenger's seat at binuksan iyon na parang wala siyang narinig mula sa akin.
"Ihahatid kita," aniya.
"Tatlong bahay mula sa amin?" kusa na lamang iyong lumabas sa aking bibig.
Napatigil si Jack. Hinanap niya ang mata ko. May kung ano sa ekspresyon niyang nakakapagpabagabag. Ilang segundo niya akong tinitigan at bigla nalang lumambot ang kanyang malamig na ekspresyon.
Bago ko pa mahulaan ang susunod niyang gagawin ay hinapit niya ako sa aking likuran at kinulong sa kanyang bisig. Siniksik niya ang sarili sa aking leeg. Wala akong ibang naririnig kundi ang mahinang tunog ng musika galing sa loob ng bar at ang malakas na tambol ng aming mga puso. Nag-init ang sulok ng mga mata ko at dinama ang init na nanggagaling sa kanyang katawan.
"I'm sorry." he softly whispered that made my throat go even more tight.
Inangat ni Jack ang kanyang kamay at marahang hinaplos ang aking buhok. Nanatiling nanamlay ang aking mga kamay sa aking tagiliran. Masyadong unstable ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung yayakapin ko siya pabalik.
Nanatili akong tahimik. Ang nararamdaman ko ang humihikbi para sa akin.
"Kung noon ay takot akong harapin ang mga magulang mo, Dressa. Now I realized that was a mistake I will not make again. I want to talk to them. I want to ask for forgiveness... in everything."
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
Любовные романыAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...