Kabanata Cuarenta

203 8 3
                                        

 This is the Gran Vía

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This is the Gran Vía. Ang ganda niya. Sarap pumunta doon. :(

40th Fall

Girlfriend

Kinaumagahan ay tumawag si Ate at sinabing nasa London sila ngayon ni Craziel. Kinamusta niya ako at sinabi ko namang ayos lang.

"Maligo ka na, bruha." Lumabas si Phia ng CR na naka-tuwalya lang. Binaba ko ang aking cellphone at nilagay sa may bedside table. Bumaba ako ng kama at pumasok na ng banyo. Ginawa ang dapat gawin sa loob. Pumikit ako ng dumaloy sa katawan ko ang malamig na tubig. At sa pagpikit kong iyon ay bumuhos na namang muli ang mga ala-alang gusto ko ng kalimutan. His indifference...pitch black eyes...while saying he can't love me...he pushed me away saying he won't be needing me...

Kumuha ako ng sabon at inihilamos ko iyon sa aking mukha umaasang mabubura noon ang mga alaalang hindi ko na dapat binabalikan pa. Kumikirot lang ang puso ko sa tuwing naalala iyon.

Sabay kaming bumaba ni Phia at nagbreakfast kasama ni Guarry. Tinanong ko siya kung nasaan ang mama niya.

"She's in the office," Guarry answered.

Tumango tango ako. "By the way, saan ba tayo unang mamasyal?" tanong ko.

Pinahiran ni Guarry ang kanyang kamay ng table tissue saka uminom ng tubig. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Saan mo ba gusto?" balik-tanong niyang sagot.

"Edi kung saan maganda." ani Phia.

"Okay. We'll start in Gran Vía..." Guarry smiles.

Dahil na rin siguro sa excitement ay nagmadali na akong tapusin ang aking kinakain. Ganoon rin si Phia.

"Maglalakad ba tayo?" tanong ko nang papalabas na kami ng kanilang mansyon. Napansin ko kasing walang balak si Guarry na dalhin ang sasakyan niyang nasa garahe pa nila.

"Yes, preciosa. Walang excitement kung sasakay tayo. Mas masaya kung maglalakad lang..." aniya sabay ngiti sa akin.

Lumabas na kami ng kanilang malaking gate. Nasa gitna ako habang nasa kanan ko si Phia at nasa kaliwa ko naman si Guarry.

"Malapit lang ba ito sa Gran Vía?" Phia asked as we walked down the street down to I don't know where.

Abala ako sa pagtingin tingin sa paligid dahil ang gaganda talaga ng mga ancient buildings. Mga building na sa History books ko lang nakikita. Pakiramdam ko nasa past ako dahil sa uri ng kapaligirang ito.

"Yes. This is the way to Calle Preciados. A famous avenue to Gran Vía..." ani Guarry.

Maraming tao ang nakakasalubong namin sa daan. Naaaliw din ako sa mga tindahang nasa paligid. Mukha siyang palengke, pero iyong uri ng palengke na orginisado at malinis.

Habang abala kami sa paglalakad ay mas lalong dumarami ang mga linyada ng tindahan at dumarami rin ang mga tao nakakasalubong namin. Hanggang sa huminto si Guarry sa paglalakad at hinarap kaming dalawa ni Phia.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon