Kabanata Cincuenta y cinco

142 9 9
                                        

55th Fall

Caught

If there is one place I'd called paradise, this is it. Ang pino at puting buhangin ng dalampasigan ay nararamdaman kong pumapasok sa aking sandals. Ramdam ko ang lamig ng gabi sa aking balat. Tumingala ako at kita ko ang bilyon-bilyong bituin sa maitim at kalmadong kalangitan. What a perfect moment to capture.

Puno ng paghanga ang mukha ko habang nililibot at binubusog ang tingin sa napakagandang tanawin na aking nakikita. Maraming tao ang narito ngayon. Sa may bandang kaliwa kung saan ako nakatayo ay may nagbo-bonfire. Sa aking kaliwa naman ay may inn na kainan din. Amoy na amoy ko ang masarap na aroma ng loami! Tumunog ang sikmura ko. Parang sinasabing kumain ako ng loami'ng mainit kapalit ng malamig na gabi ngayon.

"Gusto mong kumain?" aning katabi ko.

Tiningnan ko siya saglit pero mabilis ding nag-iwas. Kahit dinala niya ako sa nakaka-inlove na lugar na 'to, hindi parin noon maalis ang katotohanan na inis at galit ako sa kanya.

Hindi na niya hinintay ang kasagutan ko. Mabilis niya akong hinila papasok. Kinuha niya ang lamesang malapit sa tabing-dagat.

Umayos ako ng pagkakaupo saka niliwaliw ulit ang mata sa paligid. Ramdam ko kasing kanina pa nakatingin si Jack sa akin. As much I possible, I do not want to make an eye contact with him. Natatakot akong baka bigla nalang humupa ang galit ko.

May lumapit sa aming waitress at si Jack na ang sumagot dito.

Malawak ang inn na 'to. Halata ring matagal na itong narito. It's not the only one inn that's inside of this seashore, there are actually chains of them but I guess, ito talaga ang sikat at dinarayo.

"Jack—" "Dressa."

Tumikhim ako nang nagsabay kaming magsalita. Damn. Kahit ang lamig ay nag-iinit ang pisngi ko!

"You asks first," aniya. Hindi matibag ang mga tingin niya sa akin.

"Why did it call a 'Seashore of Hope'?"

Panay parin ang paninitig ni Jack sa akin. What the hell is he staring at?

"This place gives people hope," he answered.

"That's it?"

"That's it,"

Dumating na ang in-order namin. Napatigil ako ng hindi lang dalawang bowl ang dala noong dalawa ring waitress kundi lima. Bakit ganito karami?

Nilapag noong waitress ang loami ni Jack. Halata ang matamis na ngiti nito na kunwari nagpapapansin.

Nang masigurado kong sa akin na talaga ilalapag iyong apat na bowl ng umuusok pang mainit na loami ay pinigilan ko iyong waitress. "Teka, bakit ang dami niyan?" sabay tinuro iyong iba't ibang laki ng mga bowl.

Ngumiti iyong waitress. Tinapunan niya ng tingin si Jack. Sinundan ko iyon ng tingin, nanatili parin ang kanyang titig sa akin. His strong arms were crossed and now, his face seems amused. May dumi ba sa mukha ko at kanina pa siya nakatingin?

"Ah...ano kasi Ma'am, sinabi po kasi ni Sir Jacksonn na dalhan ko lang kayo ng different sizes of our specialties..." aning waitress.

"Why? Bakit 'di na niya nalang tinulad ng kanya?" tanong ko doon sa waitress na ngayo'y palipat-lipat na ang tingin sa akin at sa pipi kong kasama.

"Gusto mong kasinglaki ng akin?"

"What?" pinanlakihan ko ng mata si Jack. Nagsinghapan din ang dalawang babaeng nasa harap namin. What the hell is he talking about? Per...vert!

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon