Kabanata Veinte

207 7 6
                                        

Ang kabanatang ito ay para kay Djmoon Jordan, nakalimutan kong itanong kung yan ang real name mo, :( Salamat sa suporta bii! PS: Hindi ako sure sa UN mo kaya hindi ko nalang ni mention. Baka hindi ikaw, e. Haha

20th Fall

Don't Ever

"Aish," ginulo gulo ko ang buhok bago halos ikasampung beses na humiga ng kama.

Inangat ko ang cellphone ko at tiningnan ang screen.

Unknown number

Napakagat nalang ako ng labi. Alma naman! Tatawagan mo lang naman ang isang 'yun para ibigay ang regalo mo! Anong drama mo at nag iinarte ka?

Pagkatapos kasi ng take chances spiel ni Joe ay siya na mismo ang nagpatay ng tawag. Ang lechong baboy na 'yun!

Pero hindi ko itatangging napaisip talaga ako sa sinabi niya.

Take chances. There are thousands of them.

Mas lalo lang akong naging pursigido na mag gate crash sa buhay ni Jacksungit.

Tama si Joe. There are thousand of chances out there. Grab them all if you can. But those thousand chances will gone if you don't used it well. Because even second chance is very hard to commit.

Kaya habang may pagkakataon pa ako, kahit man lang sana pakikipagkaibigan ay magkaroon kami ni Jacksungit. Hindi naman sa mag kaaway kami...uh, I don't even know if we are friends...enemies could be. Or both? Frenemies? Ay ewan! Baka nga siya si everything, tapos ako si nothing.

"Alma, stop being choosy! Tawagan mo lang siya, tapos tanungin mo kung may free siyang oras para makipagkita sayo para sa regalo! Yun lang!" Mukha na siguro akong tanga dahil kinakausap ko na ang sarili ko.

Teka nga, kelan pa ba ako nahiya sa lalaking 'yun? E matagal na daw makapal mukha ko kay Jacksungit, e! Sabi ng magaling kong bestfriend!

Muli akong tumayo mula sa pagkakahiga at dinungaw ang cellphone kong nasa unknown number niya pa rin. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko pa rin sinisi save 'yung number niya...

I let out a deep sigh. Ma-save nga.

Jacksungit

Nag aalangan kong pinindot ang "call". Awtomatik na bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makitang nagri ring ito.

Oh my gosh! What's happening to me? Ang OA mo Alma!

Kinakagat kagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan ang pagri ring ng cellphone. Halos malasahan ko na ang sarili kong dugo. Shezzz!

Pot...pot...pot...

Call ended.

Napanguso ako. Ring lang nang ring. Hindi niya sinasagot. Okay. Subok ulit.

Dinial ko ulit ang numero ni Jacksungit. Tiningnan ko ang screen ng cellphone ko.

Please naman Jacksungit. Sagutin mo.

Baka kadate niya ngayon 'yung Sheeny, Alma. Christmas date.

"Ugh! Stop being paranoid, Alma!" Hinilamos ko ang mukha ng aking palad.

Nag call ended na naman. Huminga ulit ako ng malalim. Last na talaga 'to. Kapag hindi niya pa ulit sagutin, I'll stop. Pupuntahan ko nalang siya sa bahay nila. Hmmmp.

Pinindot ko ang call for the third and last time. I watches silently as my phone keep on ringing. At nang umabot na ng panglimang ring ay finally! Sinagot niya rin!

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon