59th Fall
Nostalgia
Matapos kong bitiwan ang mga salitang akala ko'y hindi ko masasabi ay bumukas ang pintuan ng banyo. Iniluwa noon ang kaibigan kong puno ng bahid na pag-aalala ang mukha.
Nalaglag ang panga ni Phia nang makita ang estado ko ngayon. Mukha na akong basang sisiw. Kaagad niya akong nilapitan. Ni hindi niya na napansin iyong apat na babae na biglang napaatras nang makita siya.
"Ano'ng nangyari sa'yo, Al? Ba't ka basa?" her full volumed voice echoed at the close four-cornered walls of comfort room.
I can smell trouble that's why I immediately dragged her out of the CR. Hindi ko na tiningnan iyong apat na babaeng tahimik lamang sa aming harapan. Mabuti nalang at hindi pa sila nakikita ni Phia.
Pinagtinginan agad kami, lalong lalo na ako, nang makalabas na kami ng CR.
"Who the hell did this to you, Alma?" nagbabanta ang tono ng kaibigan ko.
Hindi ako tumigil sa paglalakad kahit nagmamatigas na si Phia. "Phi, gusto ko ng umuwi..." pagod kong sinabi. It's true. I'm really tired now.
Napalitan ng taranta ang kunot na mukha ni Phia. Kaagad siyang lumapit sa banda ko. "Shit. I don't have time to dwell with those bitches who did this to you. I'll anticipate the next time." she said through gritted teeth.
"Alma! Phia, what happened?"
Napatingin kaming dalawa kay Kai na kararating lang. Thousands of eyes are everywhere.
Nagkatinginan lamang ang dalawa. Nagtaka ako ng mayamaya ay tumango na lamang si Kai.
"Mauna na kami. I-uuwi ko na ang isang 'to," si Phia.
Deretso sa akin ang mata ni Kai. He smiled a bit. "Huwag kang magpagutom, Alma." iyon lamang ang kanyang sinabi bago umalis nalang bigla.
Kung kanina ako ang nakahawak kay Phia, ngayon siya naman ang naka-akay sa akin. Ginawa niya akong baso na madaling mabasag kung makahawak.
Dumestansiya ako ng kaunti sa kanya. I don't want to look so weak and fragile, not in front of many judgemental eyes.
"Pumunta muna tayo ng locker room. I have spare T-shirt there. Magbihis ka muna, Al. Hindi ka pwedeng umuwi na ganyan ang itsura mo, lagot tayo kay Tita Yenna."
Sumang-ayon ako. She's right.
Pagkarating ko ng bahay ay dumeretso ako sa taas para maligo at makapagbihis. Ibabalik ko nalang 'tong T-shirt ni Phia kapag nagkataon.
We ate dinner in silence.
Simula noong makulong si Jack, my parents seem at peace. Wala ring nagbubukas sa kanila ng paksa tungkol doon. It could be because they're done or talking about it could just waste their precious time.
Habang kumakain ay bumalik ulit sa ala-ala ko iyong sulat ni Jack. I know it's him. I know it's from him. Ang tuwid at malinis niya palang pagkakasulat ay isa ng matibay na ebedensiya, plus the impact of that letter to me.
Ang katahimikan sa hangin ay nayanig nang binasag iyon ni Craziel. Napatingin kami nina Mom at Dad sa kanya. Sa tabi niya ay si Fatima dahil si Sheeny ay naghahanda na para sa pang-gabi niyang klase.
"Tita, we have a project!" masigla niyang sinabi.
Nginuya ko munang mabuti ang karneng kinakain bago nagsalita. "Ano iyon, baby?"
Sinusubuan siya ni Fatima ngunit hindi niya iyon pinapansin. Her eyes are shining with excitement and glee. "Ang sabi po ni Teacher Jonah ay
i-guguhit po namin ang family picture namin." tumigil siya saglit at biglang lumungkot ang ekspresyon. "But I don't have a family picture with Mom and Dad..."
![](https://img.wattpad.com/cover/60789316-288-k170014.jpg)
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...