58th Fall
Prince
"Mommy, kumusta?"
Naka uniform pa ako galing school dahil sa biglang tawag ni Mommy sa akin. Sinasabing isinugod na ng ospital si Aziel. Panay ang habol ko ng aking hininga dahil sa pagtakbo, makarating lang agad dito.
Saktong pagkarating ko ay nasa labas ng operating area si Mommy at Daddy, nakaupo. Si Ate Zammi naman ay nanatiling nakatayo na parang hindi mapakali. Palipat lipat siya ng lakad.
Nang dumating ako ay sabay sabay silang napatingin sa akin. May halong takot at pangangamba ang mga mukha nila. Mas lalo lang tuloy lumakas ang kaba sa dibdib ko.
"Anong nangyari? Kumusta si Aziel?"
Kumalas ako ng yakap kay Ate at nilapitan ang mga magulang ko.
"Mom, kumusta daw po?"
Nag-angat ng tingin si Mommy sa akin. Seryoso ang kanyang mukha ngunit hindi maiitatanggi ang pangamba sa kanyang ekspresyon.
"Wala pang sinasabi ang doctor. They're still inside..." ani Mommy. Bakas na bakas sa mukha niya ang sobra sobrang pag aalala. Si Daddy ay nasa kanyang tabi at hinihimas ang kanyang likod para pakalmahin siya.
Aziel's chance of survival is...weak. Masyado pa siyang bata. Her doctor often told us she might not be able to do it. Dahil kahit ang kanyang pagbubuntis ay masilan.
During Aziel's first and second trimester, we were in California. She's under the supervision of an American doctor because of her sensitive condition. She stopped going to school, of course. Gusto ko rin sanang huminto rin para sabay nalang kaming mag-aral sa susunod na taon ngunit hindi pumayag si Mommy, ganoon din si Aziel. Kaya kahit gusto kong manatili sa tabi ng kambal ko at tulungan siya sa pag-aalaga ng kanyang baby ay nagpatuloy ako sa pag-aaral.
And when it was Aziel's last month before she gave birth, she begged to go back in the Philippines. At siyempre hindi pumayag si Mommy. Manganganak na siya sa susunod na buwan for goodness' sake tsaka ngayon pa siya nagpasyang bumalik ng Pilipinas? Paano kung mag-labor siya sa kalagitnaan ng byahe?
"Mommy, please...this would be my last request. Gusto kong bumalik ng Pilipinas..."
Ilang oras pa kaming naghintay sa labas ng operating room bago lumabas ang doctor. Nang makita iyon ay kaagad na tumayo ang mga magulang ko at lumapit dito. Maging si Ate ay nakisabay din.
Nandoon ako sa likod nila. Kinuyom ko ang nanginginig na mga kamay. Kinagat ko ang labi ko. Shit! My heart just don't stop beating furiously!
"How's my daughter, Doc?" nalasahan ko sa boses ng Nanay ko ang kaba at takot.
Parang sa mga oras na 'yun, daig ko pang bibitayin. Sobrang tahimik. Tapos hindi pa umiimik ang doctor.
Nagulat nalang ako noong tumili si Mommy at Ate dahil marahas na kinwelyuhan ni Daddy iyong doctor.
"Make your answer better, Doctor Solayao, or else..."
Tiningnan ko ang mga kamay ni Daddy na nakahawak sa kwelyo ng doctor, nakita kong nanginginig ito.
Sinubaybay ko ang mukha ni Dr. Solayao. Walang mababakas na emosyon doon. Labis na tahip ng kaba ang naramdaman ko.
'Lord, please. Make Aziel survive this. Please. Please.'
Paulit ulit ang dalangin ko ng mga oras na 'yun. Umaasa akong makakayanan iyon ni Aziel dahil kilala ko siya bilang isang matapang na tao. My hope is so high. I know she'll fight.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...
![His Third Downfall (MSS#2) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/60789316-64-k170014.jpg)