67th FallAkusa
Naputol ang saglit na pag-uusap namin ni Belle nang tumunog ang aking telepono dahil sa isang tawag. Kinuha ko iyon mula sa loob ng aking bag pagkatapos ay tiningnan kung sino iyong caller.
"Hello, Via..." bungad ko nang sagutin iyong tawag.
"We're in a Philippine resto right now, Al. After this, we'll have bar hopping. When will you be going home?" dere-deretsong sabi sa kabilang linya.
Rinig ko pa nga ang mahinang pagpapatugtog ng mellow songs siguro ng live band. Pati na rin iyong mahinang pag-uusap ni Shayra at Guen.
"I'm still at school. I don't know exactly when. Why?" sabi ko.
"Well...we'll text you the add of our favored place then. So, by the time you get home, you can immediately join us,"
I replied with an "OK". Nakakahiya naman kung tatanggi ako, e, supposed to be they're my visitors. Not just visitors, though.
Ibaba ko na sana iyong tawag nang may pahabol pang sinabi si Via. "And...don't forget to bring with you your bf. See you, Al!" then she hanged up.
Napatitig ako ng ilang sandali sa aking telepono. Bakit ko pa siya isasama?
"What's with the frown?" biglang sulpot ni Phia sa aking tabi.
Si Rose Belle ay tahimik na ngayon at mukhang abala na sa panonood ng kanyang team. Bigla siyang tumayo at bumaba ng bleachers. Nagtaka ako kung ano ang plano niyang gawin, iyon pala ay bibigyan niya lamang ng tubig si Warren at papahiran ang pawis nito.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at ibinalik ang pagkakadungaw sa aking cellphone.
"Glad they ended up with each other. Bagay sila." si Phia sa aking tabi.
I quietly agreed. Yes, Belle and Warren fit each other. For how many times do I have to tell it?
"You're weird, Al. Ano'ng meron?"
Napatingin ako kay Phia na pinagmamasdan ako ng masinsinan. "Huh?" wala sa sarili kong tanong.
"Your mind these days are often out of context," she added.
I sighed deeply. "Pupunta ako mamaya ng Waving Bar. Sama ka?"
Kumunot ang noo ni Phia. "You're changing the topic, but, bakit? Ano'ng gagawin mo roon?"
Ipinakita ko sa kanya ang cellphone ko kung saan nakabukas ang mensahe ni Via para sa akin. "Those f-girls went bar hopping..."
"And boy hunting..." dagdag ni Phia na tinanguan ko naman.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos din ang practice ng team. Tiningnan ko ang aking relo and it says 6:45 PM. It's now quarter to seven in the evening.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo, ganoon din si Phia. Sabay kaming bumaba ng bleachers. Sinalubong ko si Jack samantalang sa banda ni Kai dumeretso si Phia.
Kaagad kong hinagilap ang binili kong Royal para kay Jack. Nasa tabi lamang iyon ng itim niyang bag. Dinampot ko iyon at ibinigay sa kanya na ngayo'y abala sa pagsintas ng kanyang sapatos.
"I can tie it," I offered.
Naka-angat ang isang paa ni Jack sa bleacher at naka-squat siya habang inaayos ang kanyang sintas. Every time he moves, his firm muscles flex. Mula sa kanyang sapatos ay inangat niya ang tingin papunta sa akin.
His lips are now very red. Pumula lang iyon lalo nang kanyang kagatin.
Napalunok ako.
"I can do it," aniya.
BINABASA MO ANG
His Third Downfall (MSS#2) [Completed]
RomanceAldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay labag ito sa kanyang kalooban. Ngunit darating talaga ang panahon na may taong kayang magpabago ng mg...