Kabanata Cincuenta y seis

146 11 1
                                    

56th Fall

Criminal

"Aziel..." nanginginig ang labi ko habang sinusubukang abutin ang kanyang kamay.

Napatigil ako sa pag-aabot ng iniwas niya ito. Kinuyom niya ang mga kamay sa kanyang tagiliran. Puno ng hinanakit at galit ang kanyang mga mata nang tingnan ako.

"Don't you dare touch me." she spits. Her words were like knives piercing through me.

"Aziel...please..." humikbi ako. Patuloy kong inaabot ang kanyang kamay ngunit palagi niya itong iniiwas.

"I hate seeing your face. Mang-aagaw ka! Halos lahat nalang, Alma, halos lahat nalang. Pati ba naman si Jack gusto mo ring angkinin, huh?"

Panay ang aking pag-iling, ganoon din ang agos ng aking luha. "Aziel...it's not like that...I didn't know—"

"Mang-aagaw! Mang-aagaw ka!"

"She had a mental breakdown that's why she collapsed. Rest is all the patient needs, Mr. Veñez. Also, I discouraged your daughter to engage with things that might get her anxious and depress. As much as possible, don't make her upset... It might worsen her condition..."

"Thank you, Doc..."

"Aziel!"

Bigla akong napatayo.

"Alma!" ani Daddy sabay lapit sa akin. Marahan niya akong hinawakan sa magkabilang balikat, puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. "How are you feeling, sweetie? Where does it hurt?" palipat lipat ang mga mata ni Daddy na parang sinusuri ako.

Hindi ako makapagsalita. I feel too exhausted to even move. Ang tangi ko lamang nagawa ay ang titigan din si Daddy. Inangat niya ang kanyang kamay papuntang mukha ko at parang may pinunasan.

"Al...where does it hurt? Why are you crying?" si Dad.

Where does it hurt? None. Wala akong maramdaman kundi blanko. Manhid na ba ako?

"Al...speak up. You are worrying me..."

"Mr. Veñez, let your daughter sleep again. Her mind and body is still tired..."

Ni wala akong lakas tumingin kahit kanino. I only feel like I am floating... my mind is blank. I couldn't even recall properly what happened...

Nagising akong muli dahil sa ingay na aking naririnig.

"Bakit ka pa pumunta dito? Paano nalang kung makita ka ni Alma? Tsk!"

"Gusto ko lang namang alamin ang kalagayan niya,"

"Well, I am telling you, you are no help to her. As much as possible siguro, huwag lang muna kayong magpakita sa kanya..."

"Bakit ako nadamay?"

"Bakit ba ang kulit mo? Maaalala niya lang ang—shh! She's awake! Go!"

"Anneyo!"

"Alma? Bess? Nakikita mo ba ako?"

Sa una ay malabo pa ang aking paningin, ngunit dahan-dahan ay naging malinaw din ito. Tumambad sa aking harapan ang mukha ni Phia.

"Al? Can you hear me?" aniya habang iwinawasiwas sa harapan ko ang kanyang kamay.

"Y-yeah..." I answered. My voice is husky. Ilang oras na akong natutulog? Bakit ang bigat parin ng katawan ko?

"Kung hinahanap mo si Tita Yenna at Tito Hakob ay wala sila ngayon dito. Umuwi sila saglit para magbihis kaya sa akin ka muna binilin..." ani Phia. Her face is filled with concern.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon