Kabanata Veintiuno

184 9 9
                                        

21th Fall

The Gift

"Don't you ever walk out on me..." Bulong niyang halos magpahina ng mga tuhod ko.

"...when I still want to talk to you." Dugtong niya bago ako marahang tinulak papalayo.

Napapikit nalang ako dahil nagwawala ang sistema ko sa ginawa ni Jack.

Iyon na 'yun, e! Kikiligin na sana ako sa don't you ever walk out on me spiel niya! Kaso dinugtungan niya pa!

"Anong karapatan mong sabihin 'yan?" Sinamaan ko si Jack na nakatitig lamang sakin. Jusko, ang puso ko. "Magwo walk out ako kung gusto ko! Hindi dahil sa ayaw mo!"

Tumaas ang sulok ng labi ni Jacksungit. Medyo tumaas din ang kanyang kilay. Iyong mga mata niya halatang nag eenjoy sa kung ano man ang nakikita niya. Ang hilig niya talagang mang inis, no?

"Yeah, right. Ano nga bang karapatan ko..." Lumapad ang ngisi sa mga labi ni Jack. Nanindig ang balahibo ko. Hindi ko maalis ang tingin doon. "I don't have any right...do I?" Puno ng pangungutya ang boses niya.

Sa sinasabi niya parang pinagdidiinan niya sakin na wala siyang karapatan when in fact since the very first time I saw him, here in this very same place, I already gave him the right to me. Pati ang karapatang saktan ako, binigay ko na sa kanya.

Nag iwas ako ng tingin. "Alis na talaga ako..." Lumunok ako bago tumalikod.

"Tsk. Ang tigas talaga ng ulo mo, Veñez."

Napahiyaw ako nang bigla niya akong buhatin...ng patalikod!

"AHHH! Ibaba mo ako Jack! Put me down! Isa!" Tinampal tampal ko ang likod niya. Ginawa niya akong sako ng bigas!

"There are too many eyes staring at you. Stop shouting." Kalmado niyang sabi.

Gusto ko tuloy siyang sabunutan! "I don't care! I said put me down!" Tumadyak tadyak ako.

Pero hindi ako pinansin ni Jack. Patuloy lang siya sa paglalakad. Hindi ko nga alam kung saan niya ako dadalhin!

"Jack Aragon! I'm warning you!" Arghhh! Ang tigas ng ulo niya!

For so many times hindi niya ako pinansin. Nagulat nalang ako noong ibinaba na niya ako sa may swing. Napaawang ang bibig ko nang lumuhod siya sa harap ko, seryoso ang mukha.

Jusko. Bakit kahit anong gawin mo Jack, e ang gwapo mo?

"Stop staring. Tsk. Give me your kit." Masungit niya akong tiningnan.

Ako nama'y napanganga. Ano daw? Kit? Kiss? "Kiss?" Uminit ang pisngi ko nang marealize ang sinabi ko. Oh my God.

Mas lalong kumunot ang noo ni Jacksungit. "You're getting obvious here, Veñez. I said kit, not kiss." Mas lalong namula ang pisngi ko nang bumaba ang kanyang tingin sa mga labi ko. Teka...bakit ang init?

Napalayo ako sa kanya. Nakalimutan kong nasa swing pala ako kaya kaagad din akong napabalik kay Jack. Ang malalala nga lang ay tumama ang tuhod ko sa dibdib niya.

"O, I'm sorry!" Tinapak ko ang paa sa lupa para tumigil ang paggalaw ng swing.

Naamaze nalang ako nang hindi man lang siya natinag nang mabangga ko. Tigas, a.

"Tss." Tanging sabi niya at bigla nalang hinawakan ang tuhod ko. Kaya napatingin din ako doon. "It's bleeding. Masakit ba?" Yung paraan ng paghawak niya, paraan ng pagsasalita niya, bakit parang...lumambing?

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon