Kabanata Diez

209 9 1
                                    

10th Fall

Special Name

"Oy, teka lang. Bakit ako?" Iyan agad ang lumabas sa bibig ko pagkatapos ng sinabi ni Joe. Bakit ba kasi siya iyong nagsalita? Bakit hindi ang sungit na 'yan?

"Bakit hindi ikaw?" Nakangising sagot sakin ni Joe.

Tiningnan ko siya. "Bakit hindi ang masungit na 'yan ang papiliin mo! Bakit ikaw iyong napili?" Tinaasan lang ako ng kilay ni Jack.

"Oh, ikaw ba dude? Sinong pipiliin mo?" Baling ni Joe kay Jack. Inilipat ko nalang ang tingin kay Circo na tahimik na tumitipa sa kanyang gitara. Alam ko namang hindi ako ang pipiliin ng sungit na iyon. Kulang na lang nga itaboy niya ako sa tuwing sinusubukan kong lumapit, e.

Iyong musika na nangangaling sa gitara ni Circo ang nagsisilbi naming background music. Ang sarap sa tenga. Gusto ko nalang tuloy mahiga at matulog.

"I'll chose her." Halos walang interes na boses ni Jack ang sumakop sa aking tenga. Her? Sinong her? Dalawa naman kami ni Phia ang babae dito, a...

Hindi ako tumingin sa kanilang parte. Nilapag ko nalang ang mata sa puting buhangin kung saan kami ngayon nakaupo at gumuhit nalang ako ng mga letra gamit ang stick ng hotdog na kinainan ko kanina.

"Who's her? Phia or Alma?" Boses ni Joe. Si Phia iyan! Ako piliin 'nun?

"The careless one." Napatigil ako sa pagguhit guhit.

"See Alma?" Tiningnan ko si Joe. Malapad ang ngisi nitong nakatingin sa direksyon ko. Tiningnan ko naman ngayon si Jack, at halos malaglag pa ang puso ko nang nakatingin din siya pabalik sakin.

Jusko, heart! Anong problema mo? Kaylangan na ba kitang ipacheck up ha? Nagiging abnormal ka na, e!

"Ayieeee bes! O, siya Jack. Let this game begin!" Parang bigla nalang bumalik ang sigla ni Phia, ah? Itong babaitang 'to talaga.

"You see this?" Sinundan ko ng tingin ang tinuro ni Jack. He's pointing at the jacket he's wearing.

Tinaas ko naman ang kilay. "Oo, kita ko. Hindi naman ako bulag." Sagot ko.

"Boom panes!" Biglang hiyaw ni Ejay bago pumalantak ng tawa. Iyong ibang kalalakihan ay umiiling iling habang inaasikaso ang iba't ibang trip ng buhay. Anong nakakatawa?

"I think you found your pakner, Jacksong." Tatawa tawang sabi ni Ejay. Nagulat pa ako noong bigla binato ni Jack si Ejay ng takip nong vodka.

"Shut up, Ejaypatutie." Nagtawanan ang lahat habang ngumuso naman si Ejay. Para siyang bata! Ang cute.

"Hoy makinig ka," tinuro ako ni Jack.

Napaismid naman ako. "Hindi hoy ang pangalan ko. Alma. A-L-M-A. Alm-"

"The hell I care." Malamig niyang tugon. Bumuntong hininga ako ng malalim para pigilan ang inis na nagsisimulang umusbong.

May sari sarili namang mundo ang iba dito.

"I'm going to throw this jacket to you within one minute if you're not going cover up your legs." Dirediretso niyang sabi. Jusko ha. Wala man lang preno! Naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko. Narinig ko pa ang paghagikhik ni Phia. Iyong mga lalaki naman ay parang wala lang sa kanila ang sinabi ng antipatiko nilang kaibigan.

Tiningnan ko ang pangbabang suot. Ngayon ko lang naalalang nakashorts nga lang pala ako. Nagulat nalang ako noong may telang tumama sa mukha ko. Kaagad kong naamoy ang pamilyar na bango.

Pinulot ko ang jacket bago sinamaan ng tingin si Jack. Sinamaan niya rin ako ng tingin pabalik. "You don't wear shorts here." Simple niyang sabi bago nag iwas ng tingin. Sasagot na sana ako ulit nang biglang nagring ang kanyang phone. Kinuha niya ito. Nakita ko pa ang biglang pagbabago ng mukha niya nang tingnan ang kung ano man ang nasa cp niya. It was the expression of pain and tiredness. Kumunot ang noo ko.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon