Kabanata Veintiocho

160 7 0
                                        


28th Fall

Perfect Guy

"Bessy!"

Patakbong lumapit sa akin si Phia bago ako niyakap ng mahigpit nang makarating kami ng simbahan.

Nasa gate palang kami. Mukhang hinintay ako ng bruha.

Tumawa ako. "I miss you, too!"

Humiwalay siya ng yakap. Ngayon ko lang napansin na stressed out nga ang bruha. Kawawa naman. "Nasaan sila Tita at Tito?" tanong ko habang tinitingnan ang malaking pintuan ng simbahan kung saan maraming mga tao ang nagsisipasukan.

"Nasa loob na. The truth is, hinintay ko talaga kayong dumating." tumingin siya sa likuran ko kung nasan sina mommy at daddy na pababa kasama si Craziel.

"Hi, Tita Yenna! Tito Hacob..." saglit na yakapan ang naganap. Binigyan din ni Phia si Craziel ng halik sa pisngi. "Hello, Craziel," ngiti ni Phia.

Sinuklian naman ito ng nakakapanggigil na bungisngis ni Craziel. "Hello po, Tita Phia!"

Pumasok na kami ng simbahan. Iginiya kami ni Phia sa upuan na nireserba nila para sa amin.

Nagkabatian pa ang mga matatanda. Hindi rin naman nagtagal ay nagsimula na ang mesa.

Seryoso akong nakikinig sa sermon ng pare sa harapan namin nang may maramdaman akong kumakalabit sa akin. Dinungaw ko ang nakangusong si Craziel na nasa tabi ko.

"Matagal pa po ba?" mukhang naiinip na ang batang ito.

Hinaplos ko ang kanyang buhok. Si daddy ay napatingin sa amin. Tinuro ko lang sa kanya si Craziel na inip na inip na.

"It will be over soon, Craziel. Don't worry." ani daddy. "Just listen to what the priest is saying..."

Gaya nga ng sinabi ng daddy ay natapos din naman ang mesa. Kinatagpo lang namin sina Phia nang nasa labas na kami.

"Mauna na kami sa inyo, pare...Ipapasyal lang namin itong mga bata." pagpapaalam ni daddy kina tito Quen.

"Right, Hacob. It's time to loosen up! Hindi iyong puro trabaho. Family should always be a priority more than anything..." ani Tito Quen saka sila nagtawanan.

Well, I guess, marami ding natutunan itong si tito Quen mula sa mga nangyari noon.

"Bye, bessy, kitakits sa susunod?" sabi ko kay Phia.

"Sureness. Ingat kayo!"

Pumasok na kami ng sasakyan. Kumakaway kaway si Craziel sa nakabukas na bintana ng sasakyan kina Phia.

"Saan po tayo susunod, dad?" tanong ko kay daddy habang pinapaayos ng upo si Craziel dito sa backseat.

"Restaurant?" nakangiti niyang suhestyon. Si mommy ay nangingiti din sa shotgun seat.

"Sige po. Nakaramdam ako ng gutom, e."

Mga ilang minuto ang lumipas nang ihinto ni dad ang sasakyan sa harap ng isang mamahaling restaurant. Ang pangalan ng restaurant ay KitShin DeliKaisis Resto and it is a Korean restaurant, to tell you. Pamilyar 'nung pangalan, a.

"Welcome to KitShin DeliKaisis Resto, ma'am, sir..." nakangiting bati 'nung guard nang pinagbuksan niya kami ng pintuan.

Ngumiti ako rito.

Abala ang mga mata ko sa paglibot ng tingin sa kabuuan ng restaurant. Pansin kong halos mga couple ang kumakain ngayon.

"Tita, doon po tayo..." niyugyog ni baby C ang aking kamay na hawak niya para siguro makuha ang atensyon ko. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya.

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon