Kabanata Treinta y nueve

208 9 0
                                        


39th Fall

Work Out

"Guarry, sandali lang..." Hinawakan ko ang kanyang braso nang aamba na siyang lalabas ng kanyang kotse. Nasa tapat na kami ng isang napakalaking bahay. Spanish designed of course.

Nag aalala ang mukha ni Guarry nang tingnan ako. Si Phia naman ay tahimik lang sa tabi ko.

"Why? Is there something wrong?" Halata ang pag aalala sa kanyang boses.

Mabilis akong umiling. Hindi ko maiwasang kabahan. Shit lang. Bakit nga ba ako kinakabahan?

"Nandyan ba ang mama mo?" alanganin kong tanong.

Nanatili ang pag aalala sa mukha ni Guarry. "Yeah. She's inside. Bakit?"

Oh noes. Ngayon pati si Phia ay kuryoso ng nakatingin sa akin.

"Wait. Don't you tell me takot ka sa mommy ng espanyol na ito?" natatawang sumingit si Phia.

Kaagad akong tumanggi. "Hindi, 'no!"

Tumawa ang bruha kong kaibigan. "Bakit ka natatakot, bess? Hmmm?" pang aasar niya pa lalo.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nang tingnan ko si Guarry ay nakangiti siya sa akin. Iwinagayway ko ang aking dalawang kamay sa harap niya. "Don't worry. Hindi ako natatakot sa mama mo. Hindi. Tara na?" Umamba akong lalabas na ng kotse nang natatawang hinawakan ni Guarry ang braso ko. Hindi tuloy ako nakalabas.

"What? Ano pang hinihintay natin?" Naiinis ako. Bakit ba nila ako pinagtatawanan?!

Guarry continued to laugh. "Be calm, preciosa. She don't bite. Actually she's very excited to see you," malambing niyang tinuran.

"What? She knows me?" gulat na tanong ko. Ano naman kayang inikuwenento ni Guarry sa mama niya? Her mom is a Spanish for goodness' sake! Ang alam ko kapag mga Espanyol, mga istrikto at istrikta. Oh no...

Guarry nodded while showing me his charming smile.

"Ano namang kinuwento mo sa mama mo?" Tiningnan ko siyang mabuti.

"Kung ano ka, siyempre." ani Guarry.

Anong sagot iyon? Anong ako?

"Ano naman ako?"

"Ang babaeng mahal ko..." He smiled.

Naitikom ko ang bibig nang wala sa oras. Ayan kasi, Alma. Ang dami mong satsat.

Bahagyang naging hilaw ang ngiti ni Guarry dahil sa pagtahimik ko. Gusto ko tuloy mag isip ng pupwede kong isagot. I don't want to hurt him!

"Kung hindi pa kayo tapos, mauna na akong lumabas. Nakakahiyang maging extra," Pambabasag ni Phia ng nakakabinging katahimikan sa loob ng kotse at nauna ng lumabas gaya ng kanyang sinabi.

Nang sumarado ang pintuan ay hinanap ko ang mga mata ni Guarry. I hate to see those lonely pair of dark blue eyes. Hindi kasi bagay sa kanya. I tried to smile at him hoping that it could wipe away the sadness in his eyes. Mahal ko si Guarry bilang kaibigan. Importante siya para sa akin. At kung pwede lang ay ayaw kong iparanas sa kanya ang sakit ng magmahal mag isa.

Dinala ni Guarry ang kanyang kamay patungo sa aking pisngi. Marahan niyang hinaplos ang mukha ko. Nakatitig lamang ako sa kanya hanggang sa tinakpan ng malalaki niyang palad ang aking mga mata. "I don't like seeing those kind of looks again, preciosa..." marahan niyang sinabi.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakatakip sa mga mata ko at sinubukan iyong tanggalin ngunit pinigilan niya ako.

"I don't want you to look at me with pity while I'm hurting..."

His Third Downfall (MSS#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon